SUNUD-SUNOD NA ang mga pa-presscon para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. Although hindi naman kami nai-invite sa ilan ay okay lang. Basta ang importante, magaganda ang kanilang entries, ‘no!
Nakiusap sa amin si Atty. Joji Alonzo na tulungan naman namin sa publicity ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel na na ‘pag napapanood namin na isine-share sa facebook ay naaaliw pa rin kami. Eh, pangatlong installment na ‘to at huli na, kaya hindi dapat palampasin.
Wala namang kumwestyon sa kahusayan ni Eugene Domingo ever since, eh. Para talaga siyang isip-bata ‘pag nagdo-Dora, kaya ang mga tao sa kanya’y aliw na aliw. Isali n’yo na kami riyan.
Panonoorin namin ‘yan, promise.
KAHIT SA Girl, Boy, Bakla, Tomboy ni Vice Ganda ay invited din kami sa presscon, pero may previous commitment kami that time. Tinatanong nga kami ng ibang reporter kung ok na ba kami ni Vice Ganda. Sabi namin, wala namang problema, dahil hindi naman kami nagkikita at hindi rin nagkakahuntahan.
At okay na sa amin ‘yon. Ang importante, hindi kami magkaaway. At in fairness, panonoorin pa rin naman namin ang movie na ‘yon ni Vice, dahil alam naming nakakatawa ‘yung movie. Si Direk Wenn Derramas pa ang direktor, ‘di ba?
So happy-happy lang. No bad blood. Tuloy pa rin ang buhay.
‘YUNG PAGPAG (Siyam Na Buhay), mukhang interesting, kasi, pahinga na ang Shake, Rattle & Roll, kaya kung gusto naming matakot at tumili, ito ang panonoorin namin. Lalo na’t fan na kami ng KathNiel because of their Got To Believe na ‘pag napapanood ko, naapektuhan ako. Hahahaha!
Pero ‘yung mga anak namin, ayaw nila ng nakakatakot, eh. So malamang, kami na lang ang manonood at ang ipapapanood na lang namin sa kanila ay ang My Little Bossings, since aliw na aliw sila sa mga batang sina Bimby Aquino Yap at Ryzza Mae Dizon.
Hindi nga makapaniwala ang mga anak ko na nag-artista na rin finally si Bimby, eh. Kasi nga, nakikita lang daw nila sa milk product commercial, tapos, ‘eto na, umaarte na. Kaya ‘yung bunso ko, parang gusto na tuloy mag-artista, hahahaha!
Pero si Bossing Vic Sotto ay “bentahe” na agad ng pelikula, dahil ilambeses na bang may napatunayan si Bossing ‘pag dumarating ang Filmfest, ‘di ba?
So alam na.
Oh My G!
by Ogie Diaz