WAGI SI Eugene Domingo bilang Best Actress para sa kanyang mahusay na pagganap sa Ang Babae sa Septic Tank, sa 6th Asian Film Awards na ginanap sa Hong Kong noong Lunes, March 19. Kasamang nagwagi ni Uge si Shamaine Buencamino bilang Best Supporting Actress para naman sa Niño. Parehong Cinemalaya entry last year ang dalawang pelikula, kung saan pareho rin si-lang nagwagi sa parehong awards.
Sa nakaraang 10th Gawad Tanglaw na ginanap noong March 15, wagi rin si Uge bilang best actress para pa rin sa Ang Babae sa Septic Tank.
Isa sa may pinakamaraming awards na natanggap sa 10th Gawad Tanglaw ang pelikulang Ang Babae sa Septic Tank.
Kabilang sa mga iginawad sa pelikula ay ang Best Film, Best Director, Best Screenplay at ang Best Actress para kay Eugene.
Nakakuwentuhan namin si Uge noong araw ring ‘yun at masaya ang naging takbo ng aming interview. Ani Uge, “Nakakatuwa kasi noong una nilang ibinigay sa akin, ka-tie ko ‘yung sarili ko. Du’n sa Pisay at Foster Child. Tapos nakakatuwa kasi iba ‘yung bigay nila, medal tapos nu’ng ibinigay na sa akin noon, nabasag. Dumami. So parang hindi ko malilimutan.”
Parehong napagwagian ni Eugene ang kategoryang Best Supporting Actress noong 2008 para sa pelikulang Pisay at Foster Child. Natatawa pang sabi ni Uge, “Nakakatuwa, kasi first time in the history ‘ata sa mga award-giving bodies na kalaban ko ang sarili ko, pero pareho kong nakuha ‘yung award.”
Pagpatuloy pa niya, “Now, natutuwa ako on their tenth year ay best actress naman ang napanalunan ko. Ang dami nilang ibinigay para sa ‘Ang Babae sa Septic Tank’. Kaya nagagalak akong makabalik dito, sana marami pang taon na magwawagi ako sa kanila. Sana maraming taon pa ang itatagal nila sa pagbibigay ng mga awards.”
Laking pasasalamat ni Eugene na mula nang magkaroon nang pagkilala ang kanilang pelikula sa nakaraang Cinemalaya Film Awards, sunud-sunod na ang recognitions na kanilang natanggap here and abroad. Dagdag pa niya, “Oo nga akalain mo, ke baho-baho, ang layo na ng narating.
“Siyempre galak na galak kami, wagas na wagas ang pasasalamat namin. It’s such a little thing, I know umabot kami sa point na mag-ambisyon ka na ma-recognize din naman sa ibang bansa, at natupad naman ‘yun kahit papa’no. Pero iba pa rin ‘yung kara-ngalan na manggagaling sa sarili mong kababayan.”
Mula nang maipalabas ang pelikula, naging surprise hit ito sa takilya at palaging nano-nominate sa iba’t ibang award-giving bodies. Aniya, “Sa lahat ng mga award-giving bodies, tuwang-tuwa kami kasi hindi nila inisnab. Tuwang-tuwa kami sa recognition na ibinibigay nila sa ‘Ang Babae sa Septic Tank’. Siyempre marami kaming dapat pasalamatan.”
“WELL, IT’S a great honor and privilege na ma-recognize ng mga academicians, mga educators, nare-recognize po ang ganda na aming nagawa rito sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story. Talagang it has been a great year for us sa Scenema Concepts, sa Viva Films,” ito ang naging pahayag ni Governor E.R. Ejercito matapos niyang tanggapin ang parangal bilang ‘Natatanging Alagad ng Sining’ award mula sa 10th Gawad Tanglaw noong Huwebes, March 15.
Ginanap ang pagtitipon sa Tanghalang Ernesto Palanca ng University of Perpetual Help System-DALTA, sa Las Piñas. Ang Gawad Tanglaw o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw (Tanglaw) ay taun-taong ginaganap sa iba’t ibang unibersidad na kasapi ng grupo. Nasa ika-sampung taon na sila sa kanilang paggawad ng natatanging parangal sa kahusayan ng mga nominado mula sa larangan ng pelikula, telebisyon, radio at diyaryo.
Nakakuha rin ng dalawa pang award ang Asiong Salonga sa larangan ng Editing at Cinematography.
At dahil sa tagumpay sa takilya ng Asiong Salonga, muling nagbalik ang interes ng mga manonood sa action films. Dahil dito, napapabalitang gagawa na naman si ER ng panibagong action flick, this time kasama si Cesar Montano.
“Nag-usap na po kami ni Pareng Cesar Montano, kagabi sa Star Awards. Balak po naming i-remake ‘yung ‘Iyo ang Tondo, Akin ang Cavite. Siya sa Cavite at ako sa Tondo,” sabi ni Gov. ER.
Ang original na gumanap sa nasabing pelikula ay ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. kasama si Ramon Revilla Sr. Ipinalabas ang pelikula noong 1986, kung saan sa Cavite si Ramon, Sr. at sa Tondo naman si FPJ.
Dagdag pa niya, “Inaayos na po ang script at hofefully by next year, matatapos ko na ‘yung ‘El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story’.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato