IKINAGULAT NG press ang naging pahayag ni Eula Caballero na dumaan daw siya sa depression dahil sa sistema ng showbiz industry.
Ayon sa Kapatid Princess, pumasok daw siya sa showbiz na wala talaga siyang anumang background ng showbiz. Maging model man lang ay hindi niya nagawa nang pumasok sa showbiz. Kaya akala raw niya, lahat kailangan niyang sundin kapag sinabi na huwag ganyan at hindi ganito.
Matagal daw niyang na-realize na showbiz should be her work, not her life. After 5 years in showbiz, ngayon lang siya naging okey at marami na ring natutunan.
Pagkaklaro niya na hindi TV 5 ang sinasabi niyang nagdidikta ng dapat niyang gagawin at hindi gagawin. At dahil napagtanto din niya sa wakas na siya ang dapat masunod at hindi dapat pairalin ang tawag ng puso, nakahanda na rin siyang mag-pose nang seksi sa isang men’s magazine.
Mabuti na lang at hindi siya pinababayaan ng Kapatid Network na bigyan ng project kahit na puro pagbabawal ang ginagawa sa kanya ng pinag-ukulan ng tawag ng pag-ibig.
Dahil magaling talaga at may ibubuga pagdating sa pag-arte, muli siyang gaganap na bida sa Wattpat Presents: Lady In Disguise na bale ikaapat na niyang episode sa naturang serye ng TV 5.
PAGDATING SA pagkanta, hindi talaga pahuhuli ang mga Pinoy, maging ito ay international singing competition.
‘Di nga ba at lahat ng mga Pinoy na sumali sa Asia’s Got Talent ay ginugulat ang mga hurado dahil sa husay kumanta at mag-perform ng mga Pinoy na sumasali.
Sayang nga lang ang pagkakataon ng tatlong bading na sumali sa nasabing singing competition nang biglang nalusaw ang pagkakataon na mapasama sa semi-finals dahil lang sa isang document ay biglang nawala ang posibilidad na makapa-penetrate sa Asian entertainment scene.
Ginulat ng tatlong bading na binubuo ng sing-along performers na sina Mia, Angel, at Mariko ang apat na hurado ng Asia’s Got Talent dahil sa kakaiba nilang talento sa pagkanta at pagpe-perform on stage.
Nakabihis-babae at mukha talagang mga babae ang aura nang humarap sa apat na hurado, pero nang kumanta na ang MissTres, ang tawag sa tatlong bading na sumali ay boses ng barako ang lumabas sa bibig ng mga ito.
Ang ending, pagkagulat at bilib ng apat na hurado sa ipinamalas na talento ng MissTres, kaya saludo sa kanila ang mga ito, kaya apat na yes ang natanggap nila para makasama uli sa susunod na round.
Ang problema, hindi na nakaabot ang tatlong bakla sa Singapore dahil hindi raw naibigay sa deadline ang hinihinging passport ng production mula sa isang member. Samantalang ang passport ng dalawa ay nakahanda nang i-deliver, pero hindi lang mai-forward sa production dahil kulang ng isa.
Dahil sa nangyari, hindi na nahintay ng production ang dokumento at kinansela na ang pag-abante sana ng MissTres sa susunod na round ng selection.
Sayang ang naudlot sanang kasikatan na makakamtam ng tatlong bading kung hindi nagkaroon ng problema ang isa dahil sa naantalang passport nito.
Kung walang nangyaring aberya, wala namang gagastusin ang tatlo dahil provided lahat ng AGT ang kanilang airfare, accommodation, food, make-up, at wardrobe.
Sayang na sayang dahil matalo o manalo sa AGT ang tatlong bading, may paglalagyan na raw sana ang MissTres sa Singapore entertainment arena.
May offer daw sana ang tatlo na magpe-perform sa isang kilalang entertainment theater sa Singapore para sa kanilang regular stint na mala-Las Vegas daw sana ang magiging show nila.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo