HINDI ini-expect ng Ex Battalion na sisikat sila sa music scene bilang rap group kaya hindi sila nagdamot magbigay ng advice sa mga aspiring rappers ng bansa.
Wika nila, “Be yourself. Never back down. Never quit.”
Dapat din daw na mag-focus sila sa ginagawa.
“Just do your thing. Importante yon,” sambit pa ng isang miyembro na sinang-ayunan ng lahat.
Patuloy ng isa pang Ex Battalion member, “Kung sino man yung mga rappers na ginawa n’yong inspirasyon para mag-rap, walang problema kahit gayahin n’yo sila nang gayahin. Gawin n’yong paghugutan sila, kuhanan n’yo ng idea hanggang sa magawa n’yo talaga yung purpose n’yo sa pagra-rap.
“Tapos wag lang talaga kayong mag-i-expect na, ‘boom agad.’ Kasi, dati hindi rin naman namin ito in-expect, basta dumating na lang.”
Ibinahagi rin ng grupo na hanggang ngayon ay may mga aspiring rappers pa rin silang tinutulungan.
“Marami kaming mga kilalang rappers na nagsisimula pa lang ngayon pero andon pa rin yung suporta namin sa kanila. Nag-a-advice pa rin kami sa kanila.
For the record, mayroon ng more than 44 million views sa YouTube ang kanta nilang “Hayaan Mo Sila.” Isang malaking factor ang lakas ng grupo para kunin silang celebrity endorser ni RS Francisco para sa kompanya niyang Front Row.
Ayon kay RS, walang specific product na ie-endorse ang Ex Battalion. Ang buong kumpanya raw mismo ang ire-represent ng grupo.
Makakasama ng Ex Battalion bilang celebrity endorser ng kompanya ni RS sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ellen Adarna, Gretchen Barretto at marami pang iba.
La Boka
by Leo Bukas