Isa rin sa magiging highlights ng concert na ang producers ay sina RS Francisco at Sam Verzosa ng Frontrow ay ang inspiring personal rags-to-riches stories ng mga members ng grupo bago nila narating ang journey to stardom.
Nagre-range sa P300 to P2,000 ang pinakamurang tiket para sa online concert n EXB. Pero tumataginting na P20,000 to P35,000 naman ang pinakamahal.
Sa makaka-afford bumili ng P20k tiket sa online concert ng EXB ay may special promo package dito ang grupo. Bukod sa access to online concert, magkakaroon din sila ng printed ticket, EXB greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster, EXB mask and shirt, RS mask and shirt, SV shirt and jacket, and an exclusive dinner with the EXB.
Sa most expensive ticket ng EXB online concert na P35,000.00 ay makukuha rin nila ang benefits na meron sa P20k ticket holder except sa isang exclusive access to the Listening Party (inclusive of cocktails) featuring never-before-heard (unreleased) EXB tracks na gaganapin pagkatapos ng exclusive dinner kasama ng EXB.
Bakit nga ba ganun kamahal ang tiket sa online concert ng EXB?
“I was the one who actually open the idea of having a VIP tickets. Of course, as we know these boys have millions of fans and kunwari ako fan nila, baka mabitin ako sa concert lang.
“Sometimes may ganu’n, eh, baka mabitin ka, kaya naghahanap ka pa ng zoom kung saan sila magha-hi and hello. May ibang sa sobrang fan nila, bitin pa rin yung ‘hi and hello’ gusto nilang makarinig ng kuwento,” paliwanag ni RS na bukod sa pagiging businessman ay isa ring aktor.
Patuloy niya, “Marami talaga akong fans na pini-PM ako sa Facebook na kumusta si Flow-G, Skusta Clee, Brando, Emcee Rhenn, King Badger, Bullet-D, Jnske, Cent, Jekkpot, Hudass, Mckoy, KentMNL, Reid Villavicencio, Jomar Lovena, and Flip-D. As in, marami silang gustong malaman about these boys.
“Kaya teka, gawa kaya tayo ng VIP Tickets na kung saan they will get to know these boys na they can have dinner with them. Ito talaga literal. I’ve scheduled a dinner not just in any restaurant, a dinner in Manila Hotel plated dinner where in they can meet and greet and literally have photos with them, chat with them, get to know them, ask them questions live face to face.
“Wherein after that dinner magkakaroon ng after party with full force Ex Battalion, magkakaroon sila ng listening session, party session. These boys marami silang unreleased songs pa di pa lumalabas. Lalabas pa sa 2022 pero dahil kinuha yung ‘Atin ang Gabi’ package maririnig nila for the first time, sila ang unang makakarinig ng mga songs na yon. Saka ito jamming talaga, as in, hindi yung literal na nakaupo lang sila.”
All merchandise and printed tickets shall be claimed at the Frontrow head office na matatagpuan sa 1st Zenith Bldg., 1468 Quezon Avenue, Quezon City. Sa December 15 naman mangyayari dinner ng EXB members kasama ang fans na nag-avail ng P20k at P35k tikets.
Available na ngayon ang tiket para sa Evoluxion concert sa ktx.ph.