HINDI NA TALAGA nakakatulong kay Iwa Moto itong mga ginagawa ng dati niyang boyfriend na si Mickey Ablan.
Nabalitaan n’yo na siguro ang nangyari nu’ng Linggo na sumugod na naman daw si Mickey sa townhouse na tinitirhan ni Iwa malapit sa GMA-7 at pinagsisipa raw nito ang pinto roon.
Kuwento ng housemate ni Iwa na si Justine Ferrer, hindi raw nito naabutan si Iwa, pero pumasok pa rin at pinagsisipa raw ang mga pinto na ikinagulantang nilang lahat.
Takot na takot daw si Justine at ang mga kasamahan nito, kaya humingi raw sila ng tulong sa mga pulis at pina-blotter na niya ito.
Pinag-iisipan daw ni Justine na idemanda si Mic-key at baka balikan pa raw sila ni Mickey at mauulit na naman ang gulo.
Nakausap ng Startalk si Mickey at humingi ito ng tawad sa mga nadamay sa gulong ‘yun. Kaya lang daw siya pumunta roon sa bahay ni Iwa, dahil miss na miss na raw niya ito.
Nakakaloka namang pagka-miss niyan, ang da-ming nadadamay at nagkakagulo pa.
Sobra lang daw talaga ang pagmamahal niya kay Iwa, at kaya nagsalita na ito dahil gusto lang daw niyang linawin na walang kasalanan si Iwa sa gulong ito. Naaawa na raw siya sa dating girlfriend dahil ito na raw ang napasama gawa nang panggugulo niya.
Mabuti naman at na-realize niya iyan dahil hindi talaga magandang tingnan at si Iwa ang apektado. Sana hindi na raw mangyari uli ang ganu’ng gulo dahil gusto na raw niyang bumalik si Iwa sa pagtatrabaho.
Hay, naku! Siguro dapat na mag-usap nang maayos itong dalawang ito at ayusin na nila kung magkabalikan man sila o hindi.
Huwag na sanang maulit ang ganu’ng gulo dahil apektado talaga ang career ni Iwa. Tingnan n’yo tuloy, kabagu-bago pa lang nitong Andres de Saya na dapat regular siya roon, tinanggal na lang dahil baka maulit na naman ang gulo nila noon na apektado pa ang bagong show na ‘yun.
SPEAKING OF BAGONG show, mukhang napakalaking project talaga itong bagong epicserye ng GMA-7 na Amaya na pagbibidahan ni Marian Rivera. Sa presscon lang nito nu’ng kamakalawa ng gabi, bonggang-bongga na ang
paghahanda at kitang-kita talagang ginastusan ito nang husto.
Malaking challenge ito kay Marian dahil ito pa lang daw ang nagawa niya sa GMA-7 na original at hindi remake.
Malaki ang pasasalamat ni Marian sa mga co-stars niya dahil very cooperative silang lahat para lalong mapaganda itong epicserye nila.
Kasali rin dito si Lani Mercado na nagdusa rin sa mga unang araw ng taping nito. Nakababad daw siya sa ulan habang nagda-drama at inabot ito ng madaling-araw kaya napagod din si Lani.
Sa May 30 na magsisimula itong Amaya, kung saan katambal dito ni Marian sina Sid Lucero at ipinakilkiala si Mikael Daez.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis