TSIKA NG isang kaibigan sa amin, baka raw magsama sa isang pelikula ang dating magkarelasyon na sina Derek Ramsay at Solenn Heussaff.
Pinag-uusapan na raw ang pelikulang ito at baka raw isali ito sa Metro Manila Film Festival this year. Wala naman daw problema kay Derek na muling makasama ang ex-girlfriend dahil naging magkaibigan naman daw sila nito.
Kaabang-abang tiyak ang movie na ito kung sakaling matuloy man, dahil isa rin daw sa maaaring makasama nila ay si Lovi Poe. Tiyak, sexy film ito na may kabuluhan.
SANA NGA matuloy ang binabalak umano ni Willie Revillame na public service show. Nagsisimula nang mag-ikut-ikot si Kuya Will sa mga probinsiya para ikampanya ang kanyang mga kaibigan sa showbiz na tuma-takbo sa 2013 elections.
Pero bukod pala sa pangangampanya, may isa pa palang purpose ang balak niyang pag-iikot na ito. Ito raw ay may kaugnayan sa bago niyang show, kung saan kakatok siya sa mga bahay-bahay para mamigay ng mga regalo.
Heard namin si Randy Santiago raw ang magiging director nito at may titulong Katok ng Kaligayahan.
Tiyak na maraming ngiti at saya mula sa ating mga kababayan kapag natuloy nga itong panibagong proyektong binabalak ni Kuya Will.
SA PRESSCON ng Cassandra: Warrior Angel, ikinuwento ni Eula Caballero sa amin na may isa talaga siyang maituturing na ultimate basher sa Twitter, kung saan day 1 pa lang after niyang manalo sa Star Factor ng TV5, nanlalait at nang-ookray na sa kanya.
In one instance daw, nag-tweet ito sa kanya ng, ‘Hija, pumunta ka na sa bahay para makapaglinis na, makapaglaba, makapagplantsa at makapag-hugas pa ng plato.’
Pero dahil hindi raw siya patola (read: patol, pumapatol) ang ginawa raw niya ay ni-reverse psychology ang sinasabing basher. As in, kinaibi-gan niya hanggang sa one day ay nag-tweet daw ito ng, ‘Alam mo hija, napaka-marespeto mo, kaya ngayon, ako na ang number 1 na tagapagtanggol sa ‘yo.’
Wish daw ni Eula na ma-meet niya ang nasabing basher upang makilala na niya ito at mapasalamatan.
‘Yan ang tama, huwag pumatol sa mga basher dahil public ang mga social networking sites at marami ang nagbabasa nito.
NAKATSIKA NAMIN si Nyoy Volante last Sunday sa RCBC Plaza kung saan nakatakda kaming manood ng play na The Full Monty. Kontrobersiyal ang play na ito dahil ang mga bida ay magpapakita ng kanilang mga ‘ari’ sa dulo ng show.
Dapat pala ay kasama siya rito, kaso hindi raw magtagpo ang kanilang schedule. So, dapat sana ay makitaan na siya ng ari if ever natuloy siya sa play?
Natatawa niyang sagot, “Hahaha, wala nang pagkakataon kasi hindi na nga ako kasali sa play.”
Humalakhak din lang ito nang matanong namin kung may maipagmamalaki ba siya sa isang bahagi ng kanyang katawan sa gitna ng kanyang legs.
Nag-all the way sa dulo ang komedyanteng si Arnell Ignacio, isa sa mga casts ng play. Marami naman ang nanghinayang na hindi nasilip ang ‘nota’ ng bidang si Mark Bautista dahil kasabay ng pagpatay ng ilaw ang kanyang paghubad.
Sure na ‘to
By Arniel Serato