NAKAKAWINDANG naman ang post ng Ex-Miss Earth at ngayo’y independent singer na si Imelda Scweighart. Sa kanyang Facebook page ay buong tapang niyang inihayag na “I Hate K-Pop”.
“I hate K-Pop.”
“Filipinos are losing their identity trying to be like koreans. Konting pride, please?”
“Di hamak na mas magaling naman mag english mga pinoy kesa korean. Kala ko ba chinese nananakop? I think we’re getting it wrong. Lagi nalang tayo sinasakop.”
Isang follower ang nagbigay-linaw kay Ms. Imelda na ang K-pop ay isang worldwide phenomenon at ang pakikinig sa mga K-pop songs ay hindi nakakabawas sa pagka-Pilipino ng isang tao.
Resbak naman ng ex-beauty queen turned independent singer “Filipinos should have our own identity as a culture and nation than losing ourselves into trends.”
“Instead of seeing it in a way where they make hit charts therefore we should patronize, see it in a way where we deserve to make it as Filipinos and don’t sleep on how talented we are,”
“Haven’t you seen the oppression and slavery on Korean artists? The processes and suffering for entertainment,” sambit nito. “I’m not sure if anyone can identify to them but if anyone could, it’s imagining what you could look like after heavy plastic surgery. It’s altering the children’s minds to alter how they look… and it’s carving the next generation’s minds… Insecurity is what they sell. They are not promoting self-love.”
“I want to see us carve our own lane, promote self-love, acceptance for shapes and sizes without too much compromise and sacrifice as entertainers. Diversity, for once!”
Hindi siguro aware si Imelda na marami ang napasaya ang mga K-pop stars tulad ng BTS, na may mga kantang nagpo-promote ng self-love tulad ng Love Myself at Epiphany. Check niya ang English translations ng mga nabanggit na kanta para malaman kung bakit nakakarelate hindi lang ang mga Pilipino kundi ang mga international fans sa lyrics ng nasabing boy band, na ngayo’y namamayagpag worldwide.
Hindi namin alam kung saan nanggagaling ang galit ng dalaga. Isa ba itong marketing strategy para mapansin siya ng mga kapwa Pinoy (na karamihan ay fans ng K-Pop and KDrama stars)? Kunsabagay, negative publicity is still publicity. Let’s just wish her luck na may mapala siya sa hatred niya.