AGAD NAMING TINEXT si Kian Kazemi, ex-Pinoy Big Brother housemate, to verify the news na nag-out in the closet na siya – o nagladlad na ng pagka-bading nito – sa kanyang personal Facebook account. As in a day before pa ito masulat sa pahayagan, nag-text na kami kay Kian.
Dati-rati’y nagre-reply agad ito, panahon pa nu’ng wala pa siya sa Dos at short-lived lang ang kanyang pagkakasama sa pool of talents ng GMA Artist Center, nagkaka-text-an na kami.
Nang hindi agad nakapag-reply, inisip na lang namin na baka busy lang si Kian, tulog, naliligo, or whatever. Ang tsismis ay mananatiling tsismis until denied or confirmed. And so we sought the help of staff ng Trip Na Trip, ang travel show ni Kian sa Kapamilya network.
Reply ng staff, na-hack nga raw ang account ni Kian, at nakisuyo ito sa kanya na ibigay ang bago niyang number sa amin, which we got na. Nag-text na kami sa bagong number ni Kian, and sumagot siyang tatawag daw siya sa amin later. Hanggang sa na-low batt na kami sa panonood ng 3-hour film na Avatar, kaya kung natawagan man niya kami the other night, eh, malamang ‘di na kami nakontak.
Dagdag info ng staff, may official statement si Kian sa The Buzz which was aired na kahapon, but as we go to press, wala pa ang statement na ito ng guwapong newcomer na owner din ng isang grill.
Naayos na raw ni Kian ang kanyang Facebook account at nawala na ang pagkaka-hack. Kami man ay ilang ulit nang na-hack ang aming online personal accounts (hindi lamang FB) kaya naniniwala kaming may mga tao talagang “professional hackers” – kung bakit at paano nila nagagawa ‘yun ay isang malaking palaisipan pa rin sa amin.
Kaso lang, itinanggi man ito ni Kian, knowing the Pinoy psyche, mababahiran na ng duda ang pagkalalaki nito, na siyang unfair for the guy. Sabi nga ng isang kaibigan, kung true naman na finally ay ladlad na siya’t naghahanap pa ng “cute guys out there,” Kian will be controversial within three weeks dahil piyesta ito sa media, pero what’s next after?
Pero as it is, kung tunay na confident si Kian sa kanyang manhood, mamamatay na lang nang natural death ang isyung ito. Napaka-unfair nga lang kung totoong ang “hacker” niya – at hindi siya – ang nagpahamak sa kanyang sarili.
NAG-LAST DAY NA si Luis Manzano sa Entertainment Live! sa Dos last Saturday upang mag-focus umano sa Pilipinas Got Talent na iko-co-host nilang dalawa ni Billy Crawford.
Wala namang kuwestiyon sa kahusayan ni Luis in hosting, pero we feel na minsan ay nahihiya rin siyang magbato ng intriguing questions sa kanyang guests, lalo na kung babae. Buti’t nakahanap ang ABS-CBN ng proper vehicle to showcase Luis’ hosting prowess with the new talent show na franchised mula sa ibang bansa.
We highly suggest Vice Ganda na siyang ipalit ng ABS-CBN kay Luis, wala nang iba pa. Riot ang E-Live episode the other Saturday nang mag-guest si Vice interviewed by Toni Gonzaga at tinalo nito ang kalabang Startalk ng GMA sa ratings by 2%. It should be a big deal with Kapamilya dahil strong competitor ang katapat na Startalk ng Siyete, although mas mahaba ng 30 minutes ang GMA talk show.
Eh, sa totoo lang naman, si Vice Ganda ang dahilan ng pagharurot ng Showtime sa ratings game na siyang nagpataob sa long-running Sis, at wala pang kapalit na regular show sa ngayon ang magkapatid na Gelli at Janice de Belen, unlike Carmina Villarroel na pasok agad sa The Last Prince nina Aljur Abrenica and Kris Bernal, starting tonight.
Kung ano ang hilig o pulso ng publiko, nakikinig naman ang ABS-CBN, in fairness. Nagbabasa talaga ang mga nasa management (or their staff) ng mga blogs, comments, e-mails ng fans nationwide and worldwide, kaya nasasapul nila ang ratings lately.
Kung nabigyan ng break ng Showbiz Central si John Lapus at nag-click, may nag-text… Dapat na ring sugalan ng Dos ang nakaaaliw at nakababaliw na si Vice Ganda!
‘Yun lang and babu!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro