INIWAN NA NGA ng Ex-Survivor/model na si Suzuki Sadatsugu ang mundo ng showbiz dahil na rin sa kawalan nito ng trabaho at mas pinili na lang na bumalik ng Japan, kung saan ito ipinanganak at lumaki, at doon na lang magtrabaho bilang construction worker sa umaga at waiter sa gabi.
At kahit nga raw medyo nahihirapan si Suzuki sa bagong trabaho, wala raw itong choice dahil kailangan niyang kumita para sa kanyang pamilya, kaysa nga naman dito sa Pilipinas na artista nga siyang naturi-ngan, pero pasulput-sulpot lang ang dating ng trabaho niya, na kung minsan ay mas mahaba pa raw ang bakante kaysa sa araw na may trabaho siya.
Ayaw man daw iwan ni Suzuki ang showbiz dahil na rin sa gustung-gusto talaga nitong maging artista, pero kailangan niyang gawin para na rin sa kanyang future. Minsan na ring umingay ang pangalan nito nang ma-link sa comedian/ singer/ businessman na si Arnell Ignacio na naging daan para mapansin siya at dumami ang guestings sa TV. Pero nang magkaroon sila ng gap ni Arnell at iwasan ito ng komedyante, ganoon din ang pagtamlay ng career nito.
Tsika nga ni Arnell, nagkita sila ni Suzuki sa Japan at laking gulat nito dahil ang dating sexy/ hot na pangangatawan ng Japinoy ex-Survivor ay unti-unti nang nawawala sa pagtaba nito, mukhang nag-give up na raw talaga sa pangarap na maging sikat na artista at modelo.
DAHIL ‘DI RAW nakapag-go see kay Direk Joey Reyes, balitang out na sa MMFF movie na My Househusband, kaya naman daw nanghihinayang ang drama prince at princess ng GMA-7 na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.
Nagkataon daw kasi na nang gusto silang tingnan ni Direk Joey ay nasa taping ng Munting Heredera ang dalawa at hindi pinayagan na sumaglit sa go see, kaya naman daw hindi sila nakita ni Direk Joey.
Pero umaasa pa rin ang magka-loveteam na makakasama sa said movie dahil excited silang makatrabaho sina Direk Joey, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, at ito kasi ang first MMFF movie na makakasama sila.
BEFORE FEBRUARY 2012 daw ang target date ng kasalang Jolina Magdangal at Mark Escueta. Ito ang naging pahayag ni Jolina. Ayon pa sa isa sa star ng pinakabagong primetime fantaserye ng GMA-7, ang Iglot, ayaw pa nilang idetalye ang lahat ng bagay tungkol sa kani-lang kasal hangga’t hindi pa maayos.
After daw kasing mag-propose sa kanya ni Mark, inayos na nila ang lahat ng detalye sa magiging kasal nila. Sa ngayon daw, kinakausap na nila ang mga taong magiging involve sa kanilang wedding mula sa ninang, ninong at mga abay.
Ipinangako naman nito na kapag buo na ang line-up at iba pang detalye ng kanilang 2012 wedding, ihahayag daw ito nina Jolina at Mark sa lahat.
TIGIL DAW MUNA sa pagma-manage ng all-girls band ang controversial manager na si Lito De Guzman na nagpasikat nang husto sa grupong Baywalk Bodies. Tsika nga ng kaibigang Lito na this time, ang mga bading naman daw ang gusto niyang tutukan at bigyan ng carrer sa showbiz at ito nga ang Wonder Gays.
“Ayoko munang mag-manage ng babae, sakit sa ulo! Bigyan ko muna ng career ang mga bading na ito dahil nakitaan ko naman ng potential, pasisikatin ko muna sila katulad ng ginawa kong pagpapasikat sa Baywalk (Bodies).”
Kaya naman sa launching ng kanilang album, ang “Wonder Gays, Blind Item” under LDG Productions at distributed by Concorde Records, super thankful ang Wonder Gays na binubuo nina Pink, Green, Gray, White, Blue at Pink sa kanilang manager dahil na rin sa tiwala at pagbibigay ng pagkakataong magkaroon ng album.
Nakapaloob sa album ng Wonder Gays ang hit na hit at kanilang carrier single na “Blind Item” na napapakinggan sa halos lahat ng radio station sa buong bansa, lalung-lalo na sa radio program ni Tita Swarding sa DZRH at sa mga TV shows like Juicy ng TV5 at RHTV. Kasama rin sa kanilang album ang mga kantang “Pare”, “Kiyeme lang ‘Yun”, “Hi, Hello”, at “Ohlala”.
John’s Point
by John Fontanilla