IPINAKILALA na sa media yesterday sa isang grand presscon ang mga lalaking bida (kasama ang mga girl partners nila) ng pelikulang WalWal na produced ng Regal Entertainment at direksyon naman ni Joey Javier Reyes.
Yes, Mainiit na tinangap ng media sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan at Jerome Ponce na ngayon pa lang ay inaabangan ng mga fans nila ang pelikulang barkadan na ipapalabas na sa darating na June 27.
Iba ang timpla ng WalWal ayon kay Direk Joey.
“WalWal means wala lang. Salita ng mga millennials na gayon ay maiitindihan na rin ng mga ka-edad natin,” natatawang pahayag ni Direk.
Walwal is wala. Wala lang. It could pertain to tambay, walang magawa or ganap (tambay, wala magawa, walang ibig sabihin na para sa mga bagets pwede ipakahulugan na chill or cool lang).
Sa pelikula, kuwento ng magkakabarkada sa kolehiyo ang premise ng pelikula.
Elmo is the good boy in the movie. He plays Dondi na isang prim and proper kid na nabubuhay para paligayahin ang mga mahal niya sa buhay.
While Kiko naman plays the role of Marco na heartthrob at heartbreaker ng barkada. Si Marco ang chickboy sa grupo na habulin ng mga girls sa campus pero dahil sa guwaping at madaming mga nakareserba na mga girls na gusto siya; anytime ay pwede siya makipag-break at paiiyakin ka lang.
Si Jerome ay si Intoy. Isang good and matured na athlete sa kampus. Siya ang “kuya” ng barkada na naghahanap ng kanyang ‘ama’
Last but not the least ay si Donny who plays Bobby na isang aspiring filmmaker na happy go lucky guy na kenkoy (funnyman) sa kanilang barkadahan.
Ang mga girls na makakapareha ng mga WalWal Boys sa movie naman ay sina Kisses Delavin plays Ruby; Devon Seron as Trina; Jane de Leon as Carla ang Sofia Senoron as Shelby.
During the mid-90’s na naging by-word ang pelikulang Pare Ko sa mga kabataan; ang millennial version naman nito ang WalWal.
Ito na ang simula ng WalWal Boys. Kung noong 80’s ay may Bagets na in the 80’s naman ay may Guwapings and during the 90’s ay may Pare Ko, para sa panahon ng mga millennials, I’m sure, thy will love the life and style of Walwal.
Reyted K
By RK Villacorta