“KAHINDIK-HINDIK, ‘DI Po Ba? At Mukhang Mapapahagulgol Din Tayo Rito”
Ito ang tinuran ni Senator Jingoy Estrada sa kanyang privilege speech sa Senado noong September 25, 2013. Dahilan sa umanoy hindi patas na pag-akusa sa kanilang tatlo na kinabibilangan ni Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
Pinatutunayan niya na may hawak siyang ebidensya kung papa’no ang pag-impeach kay Chief Justice Renato Corona, na aniya ay nagkaroon ng lagayang P50 millon bawat isang bobotong senador sa pagkatanggal nito sa puwesto.
Nandoon ding kinikuwestiyon ni Sen. Jinggoy Estrada ang DBM Department of Budget and Management sa pamumuno ni Sec. Butch Abad.
Ito ang ilang bahagi ng mga previlege speech Sen. Estrada. “Ako, sina Senator Enrile at Revilla ang tila ba inuulam, pinagpipistahan mula almusal tanghalian at hapunan.”
“50% Ang cut ng senators: cash ang bigayan!’ Pork scam, aabot sa100 billon? At ito pa: Congress kickbacks: how much for whom? Solons got 50% of pork! 3 senators amassed P581.m in kickbacks! We have been singled out, Mr. President, as our people should know, in the so called 10-billon peso PDAF scam.”
“Hindi ba may higit sa walumpu’t dalawa (82) ang foundations na nakasaad sa COA report na sinasabing may bahid ng katiwalian?”
“Per coa report, total releases for PDAF, VLP and other sources amounted to 115.987 billion pesos but this staggering amount, COA was able to audit only 41 billon pesos, ano ang nangyari at saan napunta ang mahigit kumulang na 75 billion pesos?”
“The report said that appropriation for PDAF (soft projects) for the years 2007, 2008 and 2009 amounted to more than P29 billion pesos. And out of this P29 billion, COA was able to audit P8 billion pesos. 2 million pesos lang ang na audit kay Congresswoman Henedina Abad? 178 million pesos kay Congressman Niel Tupas? 197 million pesos lang kay Cong. Isidro Ungab? 351 million ang kay Sen. Allan Peter Cayetano? 5 million lang ang audit sa PDAF ni dating Senador Mar Roxas? 3 million pesos naman lang kay Senator Trillanes?”
Ayon sa naturang senador, nang pinababanggit umano ang iba pang pangalan ng legislator kay COA Chairman Mary Grace Pulido-Tan, humingi muna ito ng excuse nang ito’y biglang nahilo at umalis ng Senate hearing.
Inaakusahan niya itong laging nagbibiyahe sa ibang bansa at dahil dito nagkakaroon ng jetlag. Aniya, bakit hindi ayusin ang trabaho nito at hindi muna hanapin P69.2 billon pesos na unaudited noong 2007- 2009.
Maging si Sec. Abad ng Department of Budget and Management (DBM), hinahamon niyang ibigay sa COA ang mga document report upang makumpleto ang auditing ng 115 billon peso na ni-release muli noong 2007-2009.
Kung totoo man ang mga nakalap na impormasyon at alegasyon ni Sen. Jinggoy Estrada, dapat lamang na maimbistigahan itong mabuti upang ang katotohanan ay lumabas at manaig. Maaaring sa pamamagitan nito, mas makikita na ang tunay na layunin ng Pangulong Aquino sa tuwid na daan?
Samantala, muling nasangkot ang DAF ng Pangulong Aquino sa Malampaya Project na diumano ay gumastos naman ng unaccounted 130 billion. Tanging Palasyo lamang ang nakaaalam ng detalye tungkol dito.
‘Ika nga, kapag ang sugat ay ginagamot, ito ay mahapdi at masakit. Ngunit kung ito ang paraan upang ito ay humilom, wala nang ibang paraan. Katulad din ng sugat na nararamdam ng mamamayan ang pagagamot ay siyang ikalulunas nito. Ito ang magpapalaya sa ating bayan sa sakit na korupsyon.
Kung seryoso tayo sa lahat na ating gagawin bilang isang pinagkatiwalaan ng mamamayan ng ating bansa, tiyak makikita natin na dagliang pagbabago upang kumalas sa syndicated corruption na ito.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia