Ngayong Disyembre, inihahandog ng VIVA International Pictures at MVP Entertainment ang blockbuster Korean comedy film na “Extreme Job.”
Upang maimbistigahan ang operasyon ng isang drug syndicate, pinasok ng limang detektib ang trabahong tagapagluto sa isang chicken restaurant na ‘di kalayuan sa lugar ng sindikato.
Ngunit sa halip na tutukan ang imbestigasyon, mas naging abala ang mga ito sa pagluluto ng fried chicken nang biglang sumikat ang kanilang masarap na putahe. Laking gulat na lang nila nang matuklasan na ang kanilang chicken chain mismo ay ginagamit sa distribusyon ng droga.
Bida sa Exteme Job ang Korean actor na si Ryu-Seung-yong na bumida rin sa pelikulang Miracle In Cell No. 7 bilang pinuno ng mga detectives. Pursigido siya, ngunit hindi matatawag na impressive ang kanyang pagiging pulis kaya ginamit niya ang kanyang retirement fund para sa negosyong fried chicken.
Ang kanyang team ay binubuo naman nina Lee Hanee, Lee Dong-hwi, Gong-Myoung at Jin Sun-kyu. Sila ang grupo ng kusinero sa umaga, pulis sa gabi.
Ang Extreme Job ay ipinalabas sa Korea at pumatok sa takilya noong unang bahagi ng 2019. Tatlong araw makalipas na ito’y ipalabas, nahigitan ng Extreme Job ang 1 million viewers mark. Ito ang pelikulang nakakuha ng higit sa 1 million views “in the shortest period of time for a comedy film in Korea.”
Sa ika-apat nitong araw sa sinehan, nagtamo ito ng 2 million viewers. Ito na ngayon ang tinuturing na “fastest comedy film to hit the 2 million mark.”
Ang mga pelikula na may ganitong record ay ang Miracle in Cell No. 7 at Miss Granny, na parehong nagtamo ng 2 million viewers matapos ang 6 na araw.
Palabas na ngayon sa mga sinehan ang Extreme Job.