EZ Mil nasa ‘Pinas para sa ‘Panalo Homecoming Tour’

Leo Bukas

NASA Pilipinas ngayon ang ang international rapper at multi-talented Pinoy viral sensation and hip-hop artist na si Ez Mil (Ezekiel Miller) para sa ilang series of concerts na pinamagatang Panalo Homecoming Tour.

EZ Mil has quickly risen to fame as one of the biggest Filipino rappers in the world nung 2021 dahil sa smash hit single niyang Panalo (Trap Carinosa) na mayroong more than 13M plays on Spotify and 70M views on YouTube.

EZ MIL

Despite putting on for the Philippines on a global scale, the US-based rapper has not visited his country of origin since his viral Wish Bus performance.

Sa interview namin kay EZ ay hindi nito naitago ng Pinoy pride ang excitement na bumalik ng Pilipinas para mag-concert.

“I’m just super excited. This is just gonna be something incredible. This is also a chance for everyone lalo na sa mga local (artists) natin na sumasampa rin sa stage,” simulang pahayag ni EZ.

“Maraming salamat sa lahat talaga na naging parte nito para maging posible ito na mangyari para sa ating lahat. Sana mag-enjoy tayong lahat,” sabi pa ng sikat na rapper.

Kabado ba si EZ sa Pilipinas siya magko-concert at kapwa niya mga Pilipino ang manonood nito?

Sagot niya, “Sa totoo lang, hindi naman po. Kasi parang iba na rin yung naging epekto ng Panalo kasi talagang damang-dama ng buong katawan mo tsaka buong pagkatao ng mga kababayan natin yung kanta.

“Iba na rin yung epekto ng mga Tagalog na kanta, there’s this parang a different vibe, so parang… Kasi I grew up in the Philippines and this is my home, so I feel comfortable performing with my kababayan.”

Bigating rap artists and singers ang makakasama ni EZ sa kanyang Panalo Homecoming Tour. Guest ni EZ sina Gloc-9, Darren Espanto, Kiefer Sanchez, Froilan Canlas, HBOM, Raining Sorrow, Nix Damp P, Plan B, Ren, at marami pang iba.

Narito naman ang mga dates ng kanilang performances: April 29 (New Frontier Theater, Quezon City); May 1 (SMX Convention Center, SM Lanang Premier, Davao City); May 6 (Albay Astrodome, Legaspi City); at May 13 (CAP Convention Center, Camp John Hay, Baguio City).

Samantala, ibinahagi rin ni EZ kung ano ang ginagawa niyang paghahanda para sa homecoming concert tour.

“When it comes to performing now, especially with the whole pandemic, would have to be stamina training and handling breathing techniques. Just the struggle to get my stamina up to the point that I’m not slurring anything, para hindi na ako hikahosin when spitting a verse or when my notes don’t run short trying to hit them. So just like the whole preparation of that — it’s a lot. But I’m ready for it,” kuwento pa niya.

Previous articleNora, Vilma, Sharon at Judy Ann nakatikim ng talak kay Direk Joel Lamangan
Next articleKylie Verzosa on love learnings: ‘Siguro may mga pagmamahal na wala sa tamang panahon’

No posts to display