ISANG KILALANG model si Fabio Ide bago nakarating ng Pinas at napasok sa showbiz. Pero hindi raw siya naging malapit sa mga gays sa Brazil, not like raw sa ating bansa. May discrimation pa rin raw ang ilang tao sa Brazil pagdating sa mga bading. Sa Brazil daw kasi, kahit straight guy kapag nakitang nakikipagkaibigan sa mga bading ay kaagad na bading na raw ang tingin sa iyo.
“That’s why I was never close to gays when I was modeling ni Brazil. Some people there isolate the gays. If you’re gay, you are only to be seen with gay people. If you’re straight, you are not to be seen with gays or else they will label you as gay.
“Kaya mas gusto ko rito sa Pilipinas. I can be friends and be close with gays na walang issue na pag-uusapan. Sa totoo lang, I like the company of gay people. Nakakatawa kasi sila. They have no pretentions. You can see who they really are and I appreciate that.
“When I started a career in this country as a model, I worked with many talented gay people. Like my manager, designer, stylist, producer, director, actors, and the fans who calls me Gabriele because of my role in Destiny Rose.”
Dahil na rin sa kanyang role na dyowa at kinababaliwan ni Ken Chan na isang transgender sa serye ay kinababaliwan na rin ng mga bading si Fabio.
Kung nagkataong nasa Brazil pa rin siya at gumanap na boyfriend ng isang bading ay sigurado raw na isang bading ang tingin na rin sa kanya.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo