AKALA KO noong una, tipikal binata ang peg na iresponsable, walang pakialam si Fabio Ide noong una namin siyang napansin nu’ng may problema sila ng kanyang hilaw na “mother-in-law” na si Melissa Mendez na ina ni Denise Oca na ina ng anak ng Brazilian model turned showbiz citizen.
Nagkagulo-gulo sila noon. “It’s because of my ex-girlfriend. Pero kami ni Denise we’re okey. We do not have any problem with our daughter,” paliwanag niya sa amin sa kanyang may pagkabulol na Pananagalog na may puntong “Braziliano”.
Sa bagong “transgender serye” ng GMA na Destiny Rose na magsisimula na sa darating na Lunes, September 14, magiging ka-penpal ng role ni Fabio na Gabriele Antonioni ang bidang si Ken Chan na mula sa pagiging “Joey” ay magiging si Destiny Rose. Mai-in love ang role ni Fabio kay Destiny Rose.
Masayang ipinagmalaki ni Fabio na love na love niya ang aming “apo”. Kaibigan kasi namin si Melissa na noong iniluwal si Denise mula sa sinapupunan ng ina, ang papel ko ay taga-alaga sa kanya noon. Ako ang taga-karga ni Denise tuwing umaga habang si Melissa ay tulog pa.
“Even my girlfriend (Bianca Manalo) loves my daughter. That’s one reason why I love Bianca. My daughter is now more than one year old now,” pagmamalaki pa ng modelo.
Sa katunayan, isang responsableng ama ang Brazilian model. Nasa pangalan niya ang bata na pinirmahan niya ang birth certificate without any hesitation. Pagbabalita niya, he gives her daughter monthly financial support aside from the education plan na hinuhulugan niya na sa paglaki ng anak ay magagamit nito para sa kanyang edukasyon.
Aside from modeling and being a showbiz celebrity, Fabio is also part of some local businesses like Gramercy and Valkyrie bars, kung saan maraming mga showbiz celebrities ang mga investor sa naturang club.
Reyted K
By RK VillaCorta