Faith Cuneta, ayaw na kay Regine Velasquez dahil sintunado? – Ronnie Carasco

WARNING:  SA MGA kababayan nating nasanay nang manood ng comedy movie na may batukan, ngudnguran ng mukha o ikinakalakal ang mga taong may kapansanan sa ngalan ng pagpapatawa, ang pelikulang Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme) ay hindi po ginawa para sa  kanila.

Kakaibang atake kasi ang pagdirihe nito ni Binibining Joyce Bernal, a beauty queen in her own right in the field of directing, kung saan iniaangat niya ang antas ng komedya minus the inanities and the insanities of a typical Pinoy comedy flick.

Dalawang elemento ang lumulutang sa maiden offering na ito ng Spring Films:  meron itong utak in the sense na matatalino ang creative staff na bumubuo nito, but never to be dispensed with ay ang pagkakaroon din nito ng puso na nagkukubli sa likod ng mapagpatawang karakter.

Showing na bukas, Kimmy Dora ay hindi nangingiyeme sa paghahatid ng aral na meron palang higit na mahalaga sa mundo beyond what is material.

MISMONG SI REGINE Velasquez na rin ang nagkanulo sa kanyang kasintahang si Ogie Alcasid sa kanyang pag-amin na a-attend sila ng kasal ng ex-wife nitong si Michelle van Eimeren sa Australia this November.

Patumpik-tumpik pa si Ogie, misleading the press na ‘yung kanilang Aussie trip ay wala lang.  Pero figuratively, “kumanta” na rin ang Songbird, hindi nga lang tiyak kung kakanta rin sila ni Ogie sa wedding ceremonies, but who knows?

Hindi na sana mabubuko ang sikreto nina Ogie at Regine hadn’t the latter “sprayed” the information tulad ng ginawa niyang pagpapaamoy sa kanyang dalawang scents ng Her Bench, ang Songbird at ang Reigne (letters of her name jumbled).

But if only for the openness of their relationship, eh, ano naman ngayon?  To each his own lang ‘yan, ‘no!  Kung tutuusin, Ogie and Regine’s wedding plans should be underway.

MALI RAW ANG terminong tinanggihan ng kampo ng singer na si Faith Cuneta ang muling pag-awit ng theme song ng Tagalized version ng Stairway To Heaven, although it was offered to her.

Ipina-rewind ko kay Jacob ang yugtong ‘yon, may dalawang taon na palang nakararaan ‘yon:  Regine and Faith were both made to sing the song, kaso sumablay raw ang Songbird na nawala sa tono.  As a result, Regine allegedly took it against Faith, dahil ito nga ang napiling umawit ng theme song.

Aminado si Jacob na idol ni Faith si Regine ever since, until nangyari ito.  Personally, I am not a fan of Regine, nito ko lang nakilala si Faith, but their rift is not a stairway to heaven.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleAra Mina, ayaw nang maghubad! – Pilar Mateo
Next articleWillie Revillame, patalikod na binira ng radio DJ – Cristy Fermin

No posts to display