Fake medicine; at Pergalan ng Marilao Cop

NAGBABALA ANG pamunuan ng Foods and Drugs Administration (FDA) na naglipana na ngayon sa ating bansa ang pekeng medisina o gamot. Dahil dito, pinag-iingat ng FDA ang publiko na tiyaking mabuti baka ang mabili ay ang mga pekeng gamot na ito.

Aber, pakisagot nga mga ungas na taga-FDA ang mga katanungang ito: Paano namin malalaman kung peke ang medisinang ibinibenta o hindi? Anong klaseng tester ang aming dadalhin sa tuwing bibili kami ng gamot? Sa tuwing bibili ba kami ng gamot ay dapat naming tanungin muna ang pharmacist kung peke ba o hindi ang kanilang gamot? Sa tingin ba ninyo ay aaminin naman nila sa amin na peke nga ang kanilang ibinebentang gamot?

‘Yan, parekoy, ang sinasabi natin dito sa mga lintek na taga-FDA, na sa halip na puro ngakngak o babala sa publiko ang gawin ay magtrabaho sila!

I mean, lumabas ng kanilang opisina, magsama ng mga pulis at suyurin ang mga pharmacy at mga tindahang nagbebenta ng gamot. Dahil sila ang may kakayahang i-determina kung peke ba ang mga ito o tunay!

Sa pagngangakngak kasi ng mga ito ay maliwanag na inaamin nilang inutil ang kanilang kagawaran sa pagsugpo sa mga ito. At ang masakit ay pilit ibinabalibag sa publiko ang obligasyong alamin kung peke ang mga ito o hindi.

Ibig sabihin, kung makabili tayo ng pekeng medisina at lumala ang ating karamdaman, tayo pa ang sisisihin ng mga demonyong ito.

Na sasabihing… nagbigay na kami ng babala eh, ba’t hindi kayo nag-ingat?

Huh, nakita na ninyo, parekoy, kung paano tayo tarantaduhin nitong mga inutil na ahensya ng ating pamahalaan?

B’wakang ina ninyo! Pwe!

KAYA NAMAN pala naglipana ang iligal na sugal sa lalawigan ng Bulacan partikular na ang sugalan sa loob ng bawat peryahan o ‘yung tinatawag na “pergalan” dahil hindi ito kayang sawatain ng mga pulis.

At kaya naman pala hindi kayang hulihin ng mga pulis ang iligal na gawaing ito ay dahil may mga tinatanggap na lingguhang patong ang mga lintek na Chief of Police.

At sa kaso ng Marilao, mismong ang Chief of Police ang itinuturong may-ari ng isang napakalakas na pergalan doon!

O, ano Col. Gerardo Andaya? Kaya mo bang pasinungalingan na ikaw ang may-ari ng pergalan d’yan sa Marilao?

Tinatawagan natin ang pansin ni Bulacan PNP Provincial Director S/Supt. Fernando Mendez.

Baka naman ikaw na lang Col. Mendez ang hindi pa nakakaalam kung sino ang may-ari ng pergalan d’yan sa Marilao? Kung ganyan eh, lalabas na inutil ka!

Sa totoo lang, parekoy, madaling suyurin o puksain ni Col. Mendez ang mga pergalan sa buong lalawigan ng Bulacan.

‘Wag kang magpapa-pressure Col. Sa ilang mediaman na umeepal sa mga pergalan. At sibakin mo para maging sampol itong si Col. Andaya.

Tingnan lang natin kung hindi malipol ang mga pergalan d’yan sa Bulacan. Maliban na lang kung ayaw mo rin talagang lipulin sila dahil may umiikot/nangungulekta ng weekly para sa iyo!

Makinig sa aking programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: [email protected]; call or text 09321688734.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleSino ang Makukunan ng Legal Assistance?
Next articleMensahe kay Jacinta

No posts to display