TODAY IS SUNDAY and I urge everyone to watch “Seven Sundays”, ang pinakabagong family drama ng Star Cinema na pinangungunahan nina Ronaldo Valdez, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Cristine Reyes at ang nagbabalik-pelikula na si Aga Muhlach.
Hindi masyadong nabigyan ng puspusang promotion ang pelikula dahil two weeks lang ang pagitan nito sa Piolo-Toni starrer na Last Night. In that case, nadadala ngayon sa word of mouth ang pagtaas ng interes ng mga moviegoers na panoorin ang bagong pelikula na idinirek ni Cathy Garcia Molina.
Ang Seven Sundays ay isang relatable film. I’m sure na makikita ninyo ang sarili ninyo sa bawat karakter na nasa istorya.
Matagal-tagal na natin hindi napapanood sa big screen si Aga Muhlach. Six years to be exact. Maraming movie offers na natatanggap si Aga, pero aminado siya na hindi siya confident na magpaka-leading man the past years na absent sya sa movies dahil sa pag-gain niya ng timbang. Sa pelikulang ito, hindi required kay Aga na maging macho. He is required to be a struggling businessman sa probinsya na napaglipasan na ng panahon at may pride na pinapairal with insecurities sa life choices niya. Dahil sa pagganap ni Aga bilang panganay ng Bonifacio Family, pinatunayan niya na siya mismo ay hinding-hindi malilipasan ng panahon. Ang kanyang natural charm onscreen at galing sa pag-arte ang naglagay sa kanya sa showbiz royalty status. Wish namin na mapanood siya sa serious drama after this movie, where the only requirement is for him to be human.
Sa pinalabas na movie trailer ng Seven Sundays ay parang pasaway na millennial ang dating ni Enrique Gil a.k.a. Baby Dex. Dahil sa kanyang age gap sa mga nakatatandang kapatid, siya ang bunso na medyo na-out of place. There’s more to his character dito which doesn’t require him to speak much as what we see in most of his movies with Liza Soberano and guess what? He pulled it off. May mga moments sa pelikula na parang gusto mo na lang siyang yakapin at bigyan ng extra love and care. Gustong-gusto ko rin ang dynamics nila ni Cristine Reyes bilang mag-ate dahil natural na natural ang labas.
Cristine Reyes being the unica hija is not the usual AA (palayaw ni Cristine) na napapanood natin sa mga iconic movies niya like No Other Woman and Trophy Wife. Dito, hindi niya kinailangan na magpaganda ng bonggang-bongga para lang makakuha ng redemption ang kanyang character as Cha. Sure ako na maraming girls ang makaka-relate sa pinagdaanan niya rito. Like Enrique, parang gusto mo na lang din siyang yakapin lalo na sa moments na feeling helpless at nahihiya ito.
Lastly, si Dingdong Dantes. Siya ang kapatid na successful, mayaman at may pagka-arogante. Kumbaga sa “Four Sisters in a Wedding”, parang siya si Bea Alonzo doon. Hindi sinasadya na siya ang laging tinatakbuhan when his siblings need money pero nobody ever checks if he is okay. Para sa akin, ito yata ang pinakamahusay na pagganap ni Dingdong sa pelikula. Nakakaproud (bilang fan ako ni Dingdong Dantes simula nang mapanood ko siya sa “Sana Ay Ikaw Na Nga” with Tanya Garcia) dahil thru Star Cinema ay naipapakita niya na he is a good actor given the right material and guidance. Ibang-iba rin ang aura niya rito. He is a natural. May part na medyo maaasar ka sa kanya pero maaawa ka rin. Meron din surprise sa kanyang character at may dalawang special guests sa kanyang parte sa istorya na talaga naman gusto ko sana ay i-elaborate ng Star Cinema on a separate film.
Ronaldo Valdez represents what every parents is afraid of. Alam na rin naman natin lahat on how effective he is as an actor lalo na kapag mga lolo roles ang ginagampanan niya. Naalala ko tuloy ang pagganap niya sa “All You Need is Pag-Ibig”.
Ketchup Eusebio, Kakai Bautista, Kean Cipriano and Donita Rose were perfect in their supporting roles.
This is a well-written story until the ending sequence emerges. Alam ko na dapat maging campy ang ending ng ganitong istorya, pero ang kanilang battle with another special guest ay naging uncomfortable ito.
All in all, I highly recommend you watch this movie lalo na if you need to touch base with your pagiging “Kapamilya” – whether as a son, daughter, sibling, apo or a parent. Watch na!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club