BEFORE THE PICA (Philippine International Cosmetologist Association) Regional Competition, in Davao City, nauna na kaming mag-fly (without Fanny Serrano) to Davao City with PICA Manila Chapter na sina Bong Policarpio, Jun Laguardia, Louie Ortiz, Carlito Peralta, Beth & Lars Karlsson and Gem Manuel. Next flight naka-schedule si TF, may important meeting pa siya with Watson Group of Company. Ila-launch na kasi ang signature shampoo niya on November 8. Muntik nang hindi maka-attend si TF sa oath-taking ng PICA Davao Chapter 1st Regional Competition dahil nasiraan ang eroplano ng Phillipine Airline na sasakyan niya.
Na-cancel ang flight (3PM move to 3AM the following day) ni Fanny. Nang dahil sa pangyayari ‘yun, itse-check-in na lang ang lahat ng pasahero ng PAL sa iba’t ibang hotel sa Metro Manila. Maraming pasahero ang nabuwisit, nainis pero wala silang magawa. Buti na lang may nagmagandang-loob kay TF na taga-PAL na tulungan siyang makabiyahe nang araw ring ‘yun patungong Davao City.
Para kay Fanny, blessing ang pangyayaring ‘yun, buti na lang nakita agad ang sira ng eroplano. Kung nagkataon, baka may masamang trahedya ang nangyari sa kanila habang nasa himpapawid. Kahit may aberya, maayos at ligtas silang nakarating sa Davao City. Masaya naming sinalubong sa airport ang beauty icon. Nagtuloy kami sa bonggang salon ni Jessie Alonso (PICA, President Davao City Chapter) para sa isang masaganang hapunan na inihanda niya para sa amin. After dinner, diretso na kami sa The Royale Hotel (official residence ng Manila Chapter).
Fabulous to the highest level ang PICA (Philippine International Cosmetologist Association) 1st Regional Competition in Hair & Make-Up in Davao City Chapter, in cooperation with Wella Professional, Clairol Professional, Natasha, Natasha Beauty last October 27, held at MCCC Mall. Hosted by Rodolfo ‘Amazona’ Dapon and Mr. Gem Manuel (Secretary General & Board Member).
Judge nang gabing ‘yun ang PICA Manila Chapter and PICA President, Mr. Fanny Serrano. After the success of the big event in PICA Davao City Chapter, biyahe agad kami to General Santos for another PICA Regional Competition. Three hours drive from Davao City to Gensan. Maraming anik-anik na kuwento kaming napag-usapan ni Fanny. Excited na ibinalita ni TF na malapit nang matapos ang bago niyang salon near ABS-CBN. Inihahanda na rin ang susunod niyang indie film with Direk Neal Tan. Hindi pa ito maharap ni TF dahil sa hectic schedule niya. Bibiyahe pa ang beauty expert sa Dubai next week for ribbon-cutting and then back to Manila for the premiere night ng Tarima sa Nueva Ecija at General Santos sa kahilingan na rin ng mga fans ni TF sa nasabing lugar.
Pagdating namin sa GenSan, tumuloy kami sa Barbie Mansion (official residence ng PICA Manila Chapter) na pag-aari ni Madam Sol Mananguil. Isang masarap na pananghalian ang inihanda sa amin ni Tata (mala-beauty queen) na siyang personal na nag-entertain sa grupo. Sa gabi, sa Jams Resto (pag-aari rin ni Madam Sol) naman kami nag-dinner sa paanyaya ni Madam Sol. Kahit on diet si Fanny, hindi niya mapigilan ang hindi kumain dahil sa super sarap na Filipino foods (inihaw na tuna, kilawin, kare-kare, sinigang na hipon with buko salad on the side) na inihanda ni Madam.
October 29, the final PICA Competition for Hair & Make- Up in General Santos, held at Robinson’s Mall hosted by Mr. Gem Manuel. Maraming nagsilahok sa nasabing competition, Men’s Cut, Color & Style category, Ladies Cut, Color & Style, Red Carpet Look at Bridal Make-Up. Super ang gagaling ng lahat ng participant sa biggest event in GenSan.
Sa kalagitnaan ng competition, nag-demonstrate ng iba’t ibang hair style and make-up ang international beauty awardies from Manila na sina Bong Policarpio and June Laguardia sponsored by Wella Professional and Clairol Professional and Natasha Beauty. Sa kahilingan ng manonood, nag-exhibition si Fanny in hair style, walang suklay gamit lang ang magic hands. In five minutes rumarampa na ang modelo ni TF, starstruck ang viewing public sa husay at galing ng beauty icon/stylist/ fashion designer/actor.
Bonggacious ang PICA 1st Regional Competition Socsksargen Chapter. Deserving lahat ang winners. After the show, nagbigay ng victory party ang GenSan Chapter dahil sa success ng kanilang biggest event of the year. Again, congratulations to all the winners in Davao City and General Santos City.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield