FIRST TIME, NGAYON lang natin mapapanood si Fanny Serrano nakikipaglaplapan to the max sa kapwa niya lalaki on screen with Rocky Salumbides. Oo nga’t, madalas natin siyang napapanood sa mga true-to life gay story sa Maalaala Mo Kaya? pero this time, bigay-todo ang pakikipag-love making niya sa Tarima ni Neal ‘Buboy’ Tan. Palibhasa, kailangan sa istorya kaya hindi nagdalawang-isip ang beauty icon na gawin ang eksena.
Sa teaser pa lang sa YouTube, marami na ang nag-react sa passionate love scene nina Fanny at Rocky, to think na Born-Again Christian si TF. “As an artist kailangan kong gawin dahil ‘yun ang hinihingi sa eksena. Wala akong nakikitang masama para hindi ko gawin ang love scene namin ni Rocky. Ang nakikita nila on screen ay ‘yung character na ginagampanan ko, hindi si Fanny as a Christian. Nag-request ako kay Direk na sa last shooting day na namin kunan ‘yung scene. Nag-usap muna kami ni Rocky nang seryoso kung papaano magiging makatotohanan ang love making namin. Iba-ibang posisyon ang pinagawa sa amin ni Direk Buboy, sunud-sunuran lang kami sa bawat sabihin niya hanggang sa nakatulog sa matinding pagod habang kinukunan ang love scene namin. Kung hindi pa ginising ng cameraman si Direk hindi pa kami masasabihan ng ‘cut.’” tsika niya.
Nang matapos ang eksenang ‘yun, sinabihan ni Direk Neal si Fanny na siya mismo ang mag-edit ng love scene nila ni Rocky. “Nagulat ako, challenge ‘yun para sa akin kaya tinawag ko ang editor naming si Rocky para i-guide ako. Na-inspire si Direk nang mapanood ang intimate love scene namin ni Rocky kaya agad niyang tinawagan ang kaibigan para gawan ng theme song. Naloka si Direk dahil hindi niya ini-expect na ilalagay ko ‘yung mga scene na alam niyang hindi papasa sa akin,”say ni TF.
Habang pinapanood ng entertainment press ang advance screening ng Tarima, hindi napigilan ng mga kafatid sa panulat na maiyak, hindi nila namalayang tumutulo na pala ang luha sa kanilang mga mata dahil nakare-relate sila sa character na ginagampanan ni Fanny na pinagmamalupitan ng kanyang Lola (Gloria Romero). Lalo pang tumingkad ang pelikula dahil nilapatan ng musika na “Napapagod Din Ang Puso” na composition ni Sherwin Castillo at inawit ni MJ, finalist sa Star In A Million. Nagkakaisa sila na pang-international ang kalidad ng bagong pelikula ng prolific film auteur na si Neal Tan .
Napakasensitibo, tumatagos sa buto ang pagganap ni Fanny bilang compassionate na apo, kaibigan at kalaguyo na mas uunahin pa ang kapakanan ng ibang tao kesa sarili. “Everytime na hinahambalos ko si TF ng baston nagso-sorry ako, kasi alam kong nasasaktan ko siya. Mas effective daw kung totohanin ko ang pananakit sa kanya na naging realistic nang kinukunan ‘yung scene namin. He’s a good actor, napakaganda ng confrontation naming dalawa, nakakaiyak,” papuring wika ni Ms. Gloria na outstanding ang performance bilang si Lola Imang.
Sa sobrang ganda ng Tarima, karapat-dapat lamang na magkaroon ng world premiere sa Nicanor Abelardo Theater (Main Theater ng Cultural Center of the Philippines). Puspusan ngayon ang paghahanda sa CCP Theater lobby para sa inaabangang showing nito on August 28. Inaasahang dadaluhan ng mga sikat na artista at mga haligi ng industriya ang nasabing premiere. Siyempre, hindi rin patatalbog ang mga candidates ng Ms. Gay Philippines at Mr. Gay World para saksihan ang mala-Brokeback Mountain na pelikula.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield