Fanny Serrano, kapuri-puri sa Tarima!

NEAL TAN’S TARIMA is not your typical gay indie film, hiding under the guise of profundity, pero saan ka, isa naman palang pelikulang kalibugan as if its propagators are only gay men!

Mula rin sa panulat ng bago kong paboritong direktor, umiikot ang kuwento kina Bryan (Rocky Salumbides), isang presong nadamay lang sa isang masaker; at Roselo (Fanny Serrano), isang baklang mananahing bilanggo naman ng kanyang nakaraang pinagdurusahan niya sa kulungan.

The half-blind Roselo, a church devotee, is able to see his hapless world within the confines of a well-maintained old house inhabited by her grandmother Imang (Gloria Romero) and the good-nurtured Lola Loleng (Rustica Carpio). Samantalang si Bryan ay isang may-asawang lalakI, ngunit iniwan ng kanyang kinakasama (Ana Capri), ang dating bulag sa existence ng mga bakla pero natuto ring magmahal sa katauhan ni Roselo.

Unfamiliar with the term, “tarima,” according to Kuya Ronald Constantino, is a tiny cell. Isang maliit na espasyo ‘yon sa preso kung saan puwedeng makipagtalik ang inmate with his visiting wife or girlfriend maybe, hence the title of the movie. In short, isang ‘di hamak na mas disenteng lugar ng parausan kesa sa mga gilid-gilid lang o kubeta na talu-talo na kahit nakatayo.

Direk Neal makes a successful attempt at the ugly realities of kabaklaan to this day and age. Iba pa rin ang pananaw ng sinaunang henerasyon sa mga miyembro ng third sex, whose social contribution is dwarfed by the ages-old belief na ang binabae ay puro kalibugan lang sa kapwa lalaki ang nasa isip at ginagawa.

But Direk Neal is able to obliterate the commonplace impression sa mga kaganapan sa selda, kung saan may naliligaw na baklang nilalang for whatever crime he may have committed. Dito na pumapasok ang comic flavor ng Tarima, where it’s not all sex na agahan, pananghalian at hapunan ng baklang presong masuwerteng nakakahada nang libre.

The real-life swellhead Chokoleit (Gringo… sorry, pero he cannot be another Roderick Paulate) leads a gang of screaming fag inmates, kung saan ang mga eksena nila’y karaniwang sketches ng mga sing-along masters sa mga comedy bar. Despite the oft-abused humorous vehicle, patok pa rin ang mga eksenang ‘yon.

During the mini-preview held at Tita Fanny’s salon on Scout Rallos St., nasa unahan ko si Tita Gloria, who admittedly plays an off-beat role bilang matandang demonya. “It’s the worst,” pabulong niyang sabi sa akin, but whose last scene presents her as the exact opposite. Inamin ni Tita Glo na totoong hinampas niya nang ilang beses ng yantok niyang tungkod si Tita Fanny. “Ayoko sanang totohanin, pero gusto niya, eh.”

Kulang ang espasyong ito bilang papuri kay Tita Fanny o TF, he’s such as good actor. Hindi skin-deep ang kanyang atake sa role, malalim ang kanyang pinaghuhugutan. Truth to tell, bibihira lang akong makapanood ng indie films, pero inupuan ko ang Tarima from beginning to end, never mind if it was a self-violation of my no-work-on-a-rest-day policy.

But it was all worth it. I enjoyed the film as much as I loved it. Kaya inererekomenda ko po ang Tarima, ang hindi manood sa world premiere nito sa August 28 sa CCP… makukulong!

SA MGA KABABAYAN po natin sa Cebu, bukas na po ang ikalawang yugto riyan sa Event Center ng SM Cebu ng auditions para sa Star Factor ng TV5.

Isa sa mga tatayong judge ay walang iba siyempre kundi si Annabelle Rama, a true-blue Cebuana herself. Kaya sa mga nangangarap na mapabilang sa kauna-unahang batch ng mga homegrown talents ng Kapatid Network, give it your best shot.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleArnold Reyes, hangang-hanga kay Sid Lucero bilang actor
Next articleSharon Cuneta, umalma na sa personal na tira kay KC Concepcion!

No posts to display