FANNY SERRANO, NAKAKADIRI?!

MASUWERTE ANG YEAR of the Rabbit para kay Fanny Serrano. Humakot ng awards ang indie film na Tarima sa 9th Gawad Tanglaw 2011. Nanalong Best Actor si TF, Best Director – Neil Tan,  Best Supporting Actress sina Ms. Gloria Romero at Rustica Carpio. Best Supporting Actor – Rocky Salumbides. Tinanghal na Best Picture of the Year ang pelikula. Worth ang hirap, pagod at sakit na dinanas ni Fanny while doing the film. Pasok sa Soho International Film Festival 2011 in New York ang Tarima nila ni Direk Buboy Tan.

Nakausap namin nang personal ang Filipino founder ng Soho na si Jorge ‘Jojo’ Ballos, na on-vacation dito sa ‘Pinas.

“Pang-2nd year na namin ito. Last year, almost 300 ang na-screen namin, 20 lang ‘yung pumasok. This year, 655 ang ini-screen namin then bumaba ito ng 30 films, puwera pa ‘yung short films. ‘Yung opening namin last year talagang soldout, ang daming tao. Nandu’n ang international press, CNN, Daily News, NBC, para mag-coverage. Pati Star Studio, parang HBO cable ay nadu’n din sa event,” pahayag ni Jorge.

Palibhasa ay magkakilala nang personal sina Jorge at Robert De Niro dahil may sarili ring film organization ang Hollywood actor, para silang magkapitbahay.

“Marami akong friends, taga-New York, taga-L.A and at the sametime, I’m an actor. I’ve done a lot of theater work sa Broadway and commercial,l so, I said, why not do this? Nai-invite kasi ako sa Sundance, sabi ko, type ko yata magkaroon ng sariling festival. So, binuo ko, pero it’s just like laruan ko lang. I owned modelling agency and I’m also a talent agent for 7 years.”

Nang itatag ni Jorge ang Soho International Film Festival in New York, hindi ba siya inintriga?

“Hindi naman, sinabi lang nila sa akin, ‘My little boy.’  We have dinner, ipapakilala ako. It’s like formal dinner talaga, nakita nilang dumating ako. Lahat sila we’re wearing a suit, nakabihis. All of a sudden, dumating ako, I’m just wearing my jeans, converse and my hood. Nang makita nila ako, sabi ni Joe Pesci, “What the fuck are you doing? You’re just a fucking little boy,’ ganu’n,” natatawang kuwento sa amin ni Jorge.

‘Yung issue about the film Rosario ni Direk Albert Martinez na pumasok raw sa Soho Film Festival in New York?

“Sinabi sa akin ng publicist namin na may lumabas sa Pilipinas sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star. Nag-announce na si Albert na hindi pa puwedeng i-announce. Sabi sa akin ng publicist ko, i-correct ko raw ang sinabi ni Albert. Nung una, ayaw ko na sanang pansinin,  kaya lang, marami ang nag-react. So, sinabi ko kay Ricky Lo na hindi pa nai-screen ang movie nilang Rosario.

“Tapos, huwag nilang i-mention ang pangalan nina Martin Scorsese at iba pang big stars sa Hollywood. Inilabas nila ‘yung publicity ng Rosario sa Soho last January this year.

It’s too early para i-announce nila na kasali na sila sa festival. Wala pa ‘yung mga selection committee, hindi pa tapos ‘yung pagpipilian lahat, so, hindi maganda para sa akin ‘yun kasi, Pilipino ako, Pilipino film.

“All of a sudden nakapasok na pala sila na hindi pa namin nai-screen, kaya kinorek ko na sila na hindi pupuwede. Maayos naman ang pagkaka-sabi ko, pero hindi ko alam na ilalabas ni Ricky Lo ang correction ko,” paliwanag ni Jorge.

Sa pangyayaring ‘yun, hindi na ipinadala ni Albert ang pelikula niyang Rosario dahil nga nagkaroon na ito ng controvercy.

“After that, si Albert, nagpadala ng letter sa akin na gusto naman niyang isali ‘yung movie niyang Slow Faith ni Diether Ocampo, pero na-reject, kasi ayaw nila. Na-screen, pero na-reject, hindi na sinali. Tapos nagsabi na naman sila, Rosario for Cannes, wala pa. Pinadala pa lang nila ‘yung application for Cannes,” dugtong ng founder ng Soho Film Festival.

Impression sa indie film na Tarima?

“Usually, ‘yung mga indie films na napapanood ko sa Pilipinas, very slow. Ito, susundan mo siya mula umpisa hanggang matapos kasi mabilis ang pacing ng movie. Fanny is very natural, nandiri ako sa mata niya. It’s really good, kasi nagri-react ako sa character na pino-portray niya.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articlePATATAWANIN KA MUNA, BAGO KA PAIYAKIN!
Next articleIZA CALZADO, ‘DI TATANTANAN NI BODIE CRUZ!

No posts to display