Nag-aalburoto ang mga Noranian dahil si Jaclyn Jose ang kauna-unahang Pinoy actress na nakapag-uwi ng Best Actress award mula sa Cannes International Film Festival.
Matagal na kasing inaasam-asam ni Nora Aunor na masungkit niya ang naturang award, na sa ilang pagkakataon ay palaging sablay ang attempt ng aktres. Sa pagbabalik niya ng Manila, umuuwi siyang talunan.
Sabi ng isang solid Noranian na isang entrainment reporter, “Hindi man siya naging Best Actress sa Cannes, at least siya ang kauna-unahang Filipino actress na nagka-award sa abroad.”
Siya lang naman ang nag-uwi ng Best Actress award mula sa Cairo International Film Festival,” pagmamalaki pa ng blind follower ni Nora.
Pero sinupalpal siya ng isang showbiz kibitzer na hindi si Nora ang first Pinay actress na nag-uwi ng isang international award, kundi si Ms. Charito Solis.
“Ang ipinagmamalaki ng mga Noranian na award ni Guy sa Cairo Film Festival, anong laban nu’n sa isang award at papuri from one of the prestigious film festivals in the world?
“Kaya tama na ang kadramahan ng mga Noranian. Kung ako kay Nora, mag-concentrate na lang si Guy sa kanyang pagre-retire. Tutal ang mga fans niya, hindi naman siya sinusuportahan ‘pag may project siya. It’s better to reitre at magpahinga na lang para gumanda ang kutis niya,” sabi ng showbiz kibitzer.
Si Fernan de Guzma aka Ms. F na isang solid Noranian ay quite na lang sa opiniyon ng showbiz kibitzer.
Sa nakaraang pa-birthday party ng fans sa dating “Superstar” na ginawa sa isang restaurant na kilala sa kanilang fried chicken sa isang mall sa Libis, nandu’n si Guy kasama si John Rendez at ang pamilya ni John.
Sa totoo lang, nakita ko ang isang picture na kuha kay Guy sa naturang pa-party sa kanya ng mga faney, Nora looks so tired.
Wala bang p’wedeng mag-sponsor na skin clinic kay Nora para maganda naman siyang tingnan? Baka si Dra. Vicki Belo, p’wede niyang tulungan si Guy.
Kung hindi ako nagkakamali, last May 21, Nora turned 63 or 64 years old.
Reyted K
By RK VillaCorta