SUPER REACT ang mga loyal fans ng isa sa may lalim umarte among young stars ngayon na si Kathryn Bernardo sa isyung mas naungusan na ito ng kontrabida nito sa Mara Clara na si Julia Montes, na ngayon ay namamayagpag ang career dahil naipareha kay Coco Martin sa Walang Hanggan.
Tsika nga ng avid supporters ni Kathryn, nauna lang daw lumabas ang show ni Julia kumpara kay Kathryn na ginagawa pa lang. Abangan na lang daw ang pagpapalabas ng soap ni Kathryn na kinunan pa sa ibang bansa bago raw husgahan kung sino na ba sa dalawa ang umarangkada ang career o kung sino ang sumesegunda na lang.
Dagdag pa ng mga tagahanga ng mahusay na young actress, pihadong magki-click din ang bagong soap ni Kathryn kapag naipalabas na, dahil marami na raw ang excited at nag-aabang ng pagpapalabas nito.
AND SPEAKING of Kathryn, marami pa ring tagahanga nila ni Kristoffer Martin ang umaasang magkakatambal pa rin ang mga ito kahit sa pelikula man lang. Masyadong marami kasi ang na-buong fans club ng mga ito nang magsama at mag-click ang tambalan sa Endelss Love, Autumn In My Heart ng GMA-7, bago nag-desisyong bumalik sa ABS-CBN si Kathryn at mag-stay sa Kapuso Network si Kristoffer na ipinareha kay Lexi Fernandez at Joyce Ching.
Pakiusap nga ng mga sumusuporta pa rin at umaasang magkakatambal pa rin ang dalawa, sana raw ay may film producer na pagsamahin ang mga ito dahil maganda raw ang chemistry nina Kathryn at Kristoffer na swak na swak ang looks at parehong magaling umarte.
At kung nami-miss na ng kanilang mga fans na makitang umaarteng magkasama sina Kathryn at Kristoffer, ganu’n din sina Kathryn at Kristoffer na nami-miss na rin ang magkatrabaho silang dalawa. Willing nga raw ang mga itong magsama sa pelikula kung mabibigyan sila ng proyektong magkasama.
Paniguradong sa pagsasama ng mga ito sa pelikula, tatabo sa takilya lalo na’t click na click ang loveteam ng mga ito sa kanilang unang pagsasama sa Endless Love, Autumn In My Heart.
BONGGA ANG Tween Star na si Teejay Marquez dahil nadagdagan na naman ang kanyang endorsement, kung saan isa na rin ito sa endorser ng Mario ‘D Boro. Kaya naman very thankful daw si Teejay sa pagpili at tiwalang ibi-nigay sa kanya ng owner at nina Ms. Cristine at Del.
Bukod sa Mario ‘D Boro, ito rin ang endorser ng Fubu, F & S Tailors, Sprinto Eyewear, Tony and Jacky, Rescuederm, at si Teejay rin ang kauna-una-hang endorser sa Pilipinas ng Cheese Steak Shop.
Bukod sa pagdagsa ng mga endorsements, tatlong indie film ang nakatakda nitong gawin ngayong taon at ang isa ay ang The Basement na isang horror film na ididirihe ng mahusay na director na si Topel Lee, kung saan makakasama nito ang kapwa tweens at iba pang Kapuso Stars.
READY NA raw tumanggap muli ng trabaho ang Gigger Boys member na si Benjamin De Guzman dahil bakasyon na at wala na siyang klase sa Enderun kung saan kumukuha ito ng kursong Culinary.
Alam daw ni Benjamin na pansamantalang nanahimik ang kanyang career simula nang mag-concentrate siya sa kanyang pag-aaral dahil ito naman daw ang kanyang gusto, ang makatapos ng pag-aaral habang pinagsasabay ang showbiz.
Pero kung tutuusin, hindi naman nawala si Benjamin sa showbiz, dahil napapanood pa rin siya sa ASAP kasama ang grupong Gigger Boys at sa afternoon soap ng ABS-CBN na Angelito: Batang Ama at sa ilang commercials na ginawa nito.
‘Yun nga lang, ‘di tulad ng dati na sunud-sunod ang shows nito mula Lunes hanggang Linggo ay napapanood siya, pero ang kapalit ay ang paghinto niya pansamantala sa eskuwela, pero nga-yon daw ay napagsasabay na nito ang pag-aaral at pag-aartista. Pero ngayong summer daw, tutok muli siya sa showbiz at handa nang tumanggap ng maraming trabaho sa ABS-CBN.
John’s Point
by John Fontanilla