SA MGA hindi nakakakilala kay Oskar Peralta, for the past 40 years, naging deboto ang fashion icon ng Sta. Rita de Cascia. Every Friday, taos-puso itong
nananalangin sa Black Nazarene ng Quiapo. Naging member din siya ng Robert Castañeda’s God Loves Catholic Charismatic Community. Kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa buhay ni Oskar sa tulong ng Panginoon.
“Totoo talaga ‘yun, ang character hindi nagbago, ganito pa rin ako. Ginagawa ko naman talaga. In fact, it was forty years ago nang simulan ko ang Sta. Rita de Cascia in 1972. Tapos ‘yung ‘Pieta’ ko sa Lipa, it was 25 years ago ‘yun. Sacred Heart, mga 10 years pa lang ito. Consistent ako, I never stop doing it kahit may sakit, umaraw, bu-magyo, kailangang nandu’n ako. I don’t really enjoy Holy Week eversince kahit noong bata pa ako. Walang pagbabagong nangyari kapag ginagawa ko every Friday pagbibihis sa Mahal na Birhen ng Pieta na pinamana sa akin ni Dante (best friend of Oskar who passed away in 2005),” bungad na sabi ng batikang fashion designer.
Inamin ni Oskar na maraming magagandang pangyayari sa kanyang buhay nang dumating ang Sta. Rita de Cascia, La Pieta, Sacred Heart of Jesus at Black Nazarene.” Ang magandang nangyari sa akin, nag-iba talaga ang pananaw ko. Alam naman ninyo napaka-vocal ko about my sex life. All of a sudden, nawala, hindi naman completely. Natural kapag nakakita ako ng guwapo, humahanga pa rin ako kasi, artista ako. I admire beautiful people, beautiful things, beautiful surroundings and nature. Ang sinasabi ko, I don’t want to have emotional attachment anymore with the same sex. Tingnan ninyo ang conversion na nangyari sa akin na dinasal ko talaga ‘yun. Hindi na ako binigyan ni Lord na anybody na puwede akong… alam mo ‘yun na kalolokohan ko before. I used to cry, I used to be confined sa hospital kasi, masyado akong emotional. Na-in love kasi ako nang todo-todo. Ngayon natatawa na lang ako kapag naaalala ko ‘yun. Parang ang gago-gago ko pala. Pero maganda rin in a way dahil na-experience ko. Siguro kung hindi ko na-experience baka hindi naging maganda ang buhay ko ngayon,” malumanay nitong sabi.
Ilang beses na nga ba siyang na-in love? “Countless ‘yan, alam mo naman ako napaka-romantiko, ‘di ba? ‘Yun talagang essence of love, siguro mga five or ten. Love-love-an lang ‘yun. Akala ko in love ako, ‘yun pala hindi, kaya hindi tumatagal ng taon. Five guys in my life na masasabi kong na-in love talaga ako pero hindi ‘yung todo-todo. I’m not the type of gay na kapag sinabi ng guy na bili mo ako ng kotse, tricycle, bahay-bahayan, ‘yung mga ganu’n, hindi puwede. Siguro the most, pair of shoes or damit dahil nasa fashion ako. No big deal para sa akin, it’s part of the relationship, give and take. If I’m happy, he makes me happy, I make him happy, ‘di ba?”
What is your greatest fear in life? “Is getting old. Akala ko pagdating ko, pagdating ko ng 30 years old noong araw, parang gusto ko nang mag-suicide. I can’t imagine ‘yung matatandang bakla noong araw akala ko ang tanda-tanda na ng 30. Pero at the age of 70, I don’t feel anything. I am so much blessed and I know God is in me. I am enjoying God in me, na-feel ko ‘yun. Unang-una, never niya akong binigyan ng sakit. At my age 70, paggising ko, walang masakit sa katawan ko. I’m not suffering to any kind of illness or desease. God is always good to me, wala akong masabi na pinabayaan niya ako, kaya nagri-relay na lang ako sa kanya kung mayroong negative things na nangyari sa buhay ko. I always give it to him and let Him solve my problem. Ako ‘yung problematic noong araw pero now I realize tayo pala, siya pala. Huwag natin siyang kalilimutan, tawagin lang natin siya, and’yan talaga siya. ‘Yun ang paniniwala ko, through experience. Ang pagbabago kong ito, matagal. Pero hindi lang ako vocal about it. Ibang klase kapag maka-Diyos ka. ‘Yung fear ko being alone, lonely, empty kahit sampu kami pero kanya-kanya kami ng bahay,” pahayag nito.
Ikinuwento rin ni Oskar na bawat tagumpay na napapasakamay niya buong-puso niya itong inaalay sa Panginoon. “At the end of the day doon ko na-realize na nagsimba ako nu’ng araw na ‘yun sa Sacred Heart, doon ako dinala ng driver ko. Kahit wala akong balak na magsimba, nagsimba ako. Twenty years, kapag wala akong driver, I just walk and it is fun, ang sarap ng feeling. Ang nakakatuwa, ang lahat ng tagumpay ko sa fashion show ko, lahat ng mga flowers na natatanggap ko, inaalay ko lahat sa kanya ‘yun, instrument lang ako. Kumbaga sa fashion, siya talaga ang nagli-lead sa akin kung ano talaga ang gagawin ko para sa particular show na ‘yun para maging maganda ako at kakaiba. Kasi, alam naman niya ‘yun. Kung mayroon pa siguro higit pa sa words na I love You and Thank You ‘yung words na ‘yun ang gagamitin ko. Thank you, thank you, thank you…” wika niya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield