NOONG APRIL 4, 2015 nang ipalabas dito sa Pilipinas ang Fast & Furious 7, pumatok sa takilya ang movie na ito at sinuportahan talaga lalo ng mga fans dahil ito rin ay isang tribute para kay Paul Walker, isa sa mga bida ng Fast & Furious na namatay noong November 30, 2013 dahil sa isang car accident.
Naikuwento ni Vin Diesel, isa rin sa mga bida ng movie, na bago pumanaw si Paul Walker, ang kanyang kaibigan, ang huli nilang napag-usapan ay ang pagtulong sa ating mga kababayan na sinalanta ng Bagyong Yolanda noong 2013. Tunay na matulungin talaga si Paul Walker sabi ni Vin Diesel dahil ito ay agad tumulong sa mga sinalanta ng lindol noong 2010 sa Haiti. Kung ating matatandaan ay pumanaw si Paul Walker matapos dumalo sa isang charity event para sa mga sinalanta, biktima ng Bagyong Yolanda. Hinding-hindi kalilimutan ni Vin Diesel ang kanyang kaibigan kaya isinunod ni Vin Diesel ang pangalan ng kanyang baby girl sa kanyang kaibigan na si Paul na pinangalan naman niya sa anak niya ay Pauline.
Noong 2001 nang ipalabas ang unang-unang Fast & Furious at ngayong taon ang Fast & Furious 7 ay pumatok sa takilya kahit saan mang bansa na nagtala rin ng mga iba’t ibang breaking box-office records lalo na sa opening nito. Ang Fast & Furious 7 ay nu’ng 2014 pa ipalalabas, pero dahil sa hindi inaasahang nangyari sa actor na si Paul Walker kaya ito ay na-delay. Halos kalahating scene pa lang ang naisi-shoot ng movie na kasama si Paul Walker, pero dahil sa nangyari ay gumamit sila ng Computer Generated Imagery (CGI) at body doubles upang makumpleto ang mga characters ng Fast & Furious.
Ayon din sa Direktor na si James Wan ay iba ang ending noong una, pero dahil sa nangyari gusto nila ang movie na ito, ang Fast & Furious 7 ay makagawa ng isang magandang pagpapatuloy ng Fast & Furious 6 at ito rin ay isang tribute para sa actor na pumanaw na si Paul Walker.
Marami ang mga naging emotional sa movie na ito, pero kahit sino naman ang manood magiging emotional dito lalo na sa last scene ng movie dahil talagang mararamdaman natin ang tibay ng pagkakaibigan talaga nina Paul Walker bilang Brian O’Conner at Vin Diesel bilang Dominic Toretto, pero hindi lang ang pagkakaibigan ng character pati na rin ang pagkakaibigan nila sa totoong buhay.
Tumatak din sa masa ang mga quotes ni Dominic Toretto tulad ng “I don’t have friends. I got family.”, “The most important thing in life will always be the people right here, right now. That’s what’s real.” At lalo na ang line na “No matter where you are, whether it’s a quarter mile away or half way across the world. You’ll always be with me… And you’ll always be my brother.” sa last scene na tipong One Last Ride at isa na rin pamamaalam para kay Paul Walker. Kahit last ride na ito, hinding-hindi ka namin kalilimutan, Paul Walker.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo