HAYAN, dahil sa pagiging malisyoso ng netizens, ang isang simpleng pagpapakita ng pagmamahal ng isang anak sa kanyang ama ay naging malaking isyu.
Ang tinutukoy namin, ang video ng mag-amang Piolo Pascual at Iñigo Pascual, kung saan nag-smack sa lips ang anak sa kanyang ama na binigyan ng malisya at iba’t ibang interpretasyon ang ginawang gesture ni Iñigo.
“To be honest, it’s something that ngayon, parang I just laugh about it. Kasi parang what’s the point of making a story out of something that shouldn’t,” natatawang say ni Iñigo nang mag-guest siya sa “Magandang Buhay” kasama si Papapi.
Paliwanag pa niya, “Parang hindi ko maintindihan bakit kailangan nilang gawin? Hindi ko maintindihan why even it has to be a thing? He is my dad and if they don’t treat their dad the same way, that’s not my problem.”
Maging si Papapi, pareho rin ang punto tulad ng kay Iñigo.
“You know what, ang hirap. You want to get mad at these people, gusto mong mapikon sa kanila. But if you know what is right, what is positive and what is right in the eyes of God, ‘di ka mag-iisip ng malisya kung nasa tamang pag-iisip ka. Anak ko ito! How dare you tell me what I should do and I shouldn’t do,” pahayag ng aktor na nagpo-promote ng kanyang pelikulang “Northern Lights: A Journey To Love” sa morning show ng Kapamilya Network.
Dagdag ng aktor who plays Charlie Sr. sa pelikulang dinirek ni Dondon Santos, “Ayaw ko kasing mag-isip ng masama sa tao. Pero ‘yung mga namba-bash, siguro naiinggit sila because they don’t get to experience that kind of bond with their parent, or their son. Ayaw ko na lang magsalita, because my relationship with my son is a blessing and I’m going to flaunt whatever we can just as long as we have the time together. Hindi ba?”
Actually, marami ang may inggit sa closeness ng mag-ama. Hindi lang ito ang una beses na nalagay sa pamumula ng publiko ang pagiging close nina Piolo at Iñigo.
Suma-total, marami lang talagang naiinggit sa dalawa. Kung ako kay Papapi at Iñigo, deadma attitude na lang towards their bashers para tumahimik na ang mga mga naiinggit sa kanila.
Sa Tuesday (March 28), premiere night ng pelikula ni Papapi with Yen Santos at Raikko Mateo sa SM Megamall. Regular showing is on Wednesday (March 29) in theaters nationwide.