Bilib kami sa sipag at pagpupursige ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño mula nang pamunuan niya ang ahensiya. Halos linggu-linggo siyang dumarayo sa iba’t ibang regional areas sa bansa para makipagpulong sa local filmmakers at alamin ang kanilang pangangailangan bilang bahagi ng local film industry, at mapakinggan na rin ang kanilang mga mithiin sa kanilang areas para mapalaganap ang local o regional filmmaking industry sa probinsiya.
Kaya nga ngayong taon, maganda ang project ng FDCP at Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) na ibahagi at i-spread ang film awareness and film education as an integral part of our cultural development and industry.
Sa kanilang “Planting Seeds: The Future of Philippine Cinema” project, malaki ang maitutulong sa mga guro natin sa eskuwela para humubog ng future film directors ng bansa.
Ang dates para sa symposium ay ang mga sumusunod: Baguio on February 17, 18 and 19 sa Teachers’ Camp; Naga City on February 22, 23 and 24 na gagawin sa Ateneo de Naga; Iolilo City on February 24 and 25 sa Cinematheque Iloilo; Zamboanga City on February 25, 26 and 27 sa Cinematheque Zamboanga; at sa Manila on March 9, 10 and 11 na gagawin sa Cinematheque Manila (sa may bandang UN Avenue sa Manila).
Bongga ang line-up para sa naturang symposium at kabila ang de-kalibreng film directors at film practitioners sa mga panauhin na magiging resource persons tulad nina Mac Alejandre, Rica Arevalo, Nick de Ocampo, Kidlat Tahimik, Jose Javier Reyes, at marami pang iba.
Ayon kay Chairperson Liza, “Marami kaming magagandang activities for this year from the FDCP.”
Ang naturang symposium ay libre. Para sa dagdag na impormasyon, please check out FDCP’s Facebook account at: http://www.facebook.com/FDCP.ph or email: [email protected].
Reyted K
By RK VillaCorta