Nag-react na rin si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño-Seguerra sa ginawang “kagaguhan” ng aktor na si Baron Geisler sa kapwa aktor na si Ping Medina sa isang eksena sa ginagawang pelikula.
Last night, nag-post si Liza ng kanyang stand sa isyu. Sa kanyang Facebook account, isinulat niya: “Baron Geisler, SUMUSOBRA KA NA. INIHIAN mo sa mukha ang co-actor mo sa eksena WITHOUT his consent? You have gone way too far.
“Masyado ka ng maraming inagrabyado. At ang lakas ng loob mo because you always get away with it.
“We may not have guilds here who can really protect the welfare of our film workers but I will make sure this will never happen again to any actor. Legal action should be taken against YOU.
“I will make sure our council sees this through. WALA KANG RESPETO SA SINING,” mariing pahayag ni FDCP Chair Liza sa kanyang FB.
“Wala kang puwang sa industriyang ito! Tama si Ping, masahol ka pa sa hayop. Binababoy mo ang integridad ng propesyong nagbibigay ng kabuhayan sa’yo.”
Reaksyon ng magaling na scriptwriter na si Bibeth Orteza sa isyu: “He should be put on STATUS: DON’T HIRE!”
Paano na si Baron ‘pag nagkaisa ang industriya na bumubuhay sa kanya? Saan na siya pupulutin ngayon pa na kailangan niya ng trabaho, lalo pa’t ang ina niya ay maysakit and needs financial support mula sa kanyang mga anak, lalo na mula kay Baron?
Reyted K
By RK VillaCorta