Sa paniwala “nila”, marami raw followers sa social media itong katsipan na si Mocha Uson kaya kinuhang ambassador to promote 2016 Metro Manila Film Festival.
Marami raw kasi siyang followers, ayon sa depensa ni Film Development Council of the Philippines Chair Liza Diño.
Ayon kay Liza, wala siyang nakikitang masama sa pagluklok kay Mocha para makatulong sa pagpapalaganap at pagpo-promote ng MMFF.
Sa kanyang Facebook account, sinulat ni Liza: “Alam naman nating lahat na marami s’yang followers so since very unorthodox din ang mga marketing strategies ngayon to promote the film festival itself, malaking tulong ang pagpromote nya sa mga pelikulang kalahok. Walang masama to give value to her social media influence.”
Kung quantity of social media followers din lang naman ang basehan, why not ask the help of Vice Ganda or Anne Curtis na milyones ang followers? Si Mocha, wala pa yata sa 900K ang tagasunod niya sa IG or Twitter.
At least tunay ang followers ng dalawa lalo pa’t charming naman sina Anne at Vice para makahikayat.
Sa ganang akin, katsipan to the highest degree. Ito na nga ang “change” sa MMFF. Kariton na float (na mas malaki pa ang tagahakot ng basura sa amin gabi-gabi), Mocha as social media influencer (daw), at kung anu-ano pang paandar na ewan.
Reyted K
By RK VillaCorta