Sa totoo lang, kaliwa’t kanan pa rin ang isyu tungkol sa 2015 Metro Manila Film Festival.
Nilangaw ang unang araw ng festival last Sunday. Aminin man nila o hindi, hindi ito ang ini-expect ng publiko. Marami silang hinahanap.
Kung hindi dahil sa magagandang reviews ng manonood, hindi pi-pick-up sa ikalawang araw ang Pista ng pelikulang Pilipino.
Sa totoo lang, bilib kami sa sipag ng ilan sa 2016 MMFF Committee. Sa kani-kanilang paraan, masipag sila sa pagpapaliwanag sa publiko sa pamamagitan ng social media para sagutin ang katanungan ng publiko.
Kudos to Film Development Council of the Philippines Chair Liza Diño dahil ang sipag niya. She uses her network of friends and followers para sagutin ang mga tanong ng tao.
Ewan ko kung nasaan ng ambassadress ng 2016 MMFF na si Mocha Uson? Puro si President Duterte lang ang ipino-post niya at hindi ang MMFF para himukin ang publiko na manood.
Ang spokesperson ng film festival na si Noel Ferrer (official ba siya) base sa mga na nabasa ko, may gawa ba? Kumikilos ba?
Kay FDCP Chair Liza ko nalaman na yesterday, December 27, nagsimula nang magkaroon ng 30% na diskuwento ang senior citizens at PWDs sa mga pelikulang “Oro”, “Kabisera”, “Sunday Beauty Queen”, at “Saving Sally”.
Sa social media account ni Liza ko rin nabasa na as of Tuesday, walang pelikula ang na-pull-out sa mga sinehan. In short, intact pa rin sa schedules ng screening sa mga napiling sinehan, dahil usap-usapan ang pagpu-pull-out ng mga pelikula na hindi kumikita at mahihina sa takilya.
In short, pinagbigyan lang sila ng theater owners para kahit talo na sila sa pambayad sa mga staff nila at sa kuryente ng aircon, todo-suporta pa rin sila sa film festival.
Paliwanag nga ni Liza sa kanyang Facebook account: “Since this is a new edition of Metro Manila Film Festival (MMFF), the executive committee set a new target for the festival’s gross revenue and I am happy to say that our films were able to meet our expectations. Ang sarap ng feeling na marami pa ring pumunta sa sinehan at nanood ng mga kakaibang pelikulang handog ng MMFF ngayong taon.
“Despite the obstacles—brownout, bagyo, batikos at kung anu-ano pa—we thrived and rose above these challenges! Congratulations sa ating 8 entries! Ito ang simula ng panibagong yugto ng pagtangkilik sa pelikulang Pilipino. Sa mga manonood, Maraming salamat,” sabi niya.
Bukas, December 29, ang awards night ng 2016 MMFF na gagawin sa Kia Theater sa Cubao. I’m sure, kung anong pelikula ang magwawagi ay dodoble ang magiging kita, dahil lalo itong tatangkilikin ng manonood.
Reyted K
By RK VillaCorta