FDCP Chairperson Liza Dino, napaluha sa MOA signing with SSS, PhilHealth at PAG-IBIG

FDCP Chairperson Liza Dino

SA TOTOO LANG, gusto ko ang pamumuno ni FDCP Chairperson Liza Dino sa opisina na pinapalakad niya.

 
Napaka-sipag. Napaka-diplomatic sa ilan na nang-iintriga sa kanya bilang head ng FDCP, lalo na noong kainitan ng isyu ng pagre-resign ng ilan as EXECOM ng Metro Manila Film Festival 2017 na sa kanyang itinuturo, ang puno’t dulo sa pagiging anti-film industry gayon kung iisipin mo atninalisa, hindi siyta ang kabuunan ng MMFF at bahagi lang siya.
 
As FDCP Chairman, sa termino nya lang ako may updates sa mga kaganapan ng kanyang opisina. Nagri-reachout sila sa mga tao sa industriya na kumpara sa mga nauna sa kanya, pakiwari koý waley presence ‘ika nga na hindi ko nararamdaman na ‘andyan pala sila.
 
Ngayong tanghali (Wednesday) ay pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA)  ang FDCP with the Social Security System (SSS), PhilHealth at Pag-ibig para sa securidad at benepisyo ng mga  maliliit na manggagawa sa industriya ng pelikulang Pilipino na kinabibilangan ng mga lightsman, camaeraman, utilities staff; etc. na kung walang pelikula or trabaho pang telebisyon o pelikula ay nganga sila sa katayuan nila  ay walang seguridad.
 
Mahirap sa mga maliliit sa industriya na sa pagdating ng hindi inaasahan (pagkakasakit, aksidente at kamatayan), wala sila mahuhugot at mahingan ng tulong sa kanilang pangangailangan. Ang naturang proyektong ito ng FDCP ay malaking tulong sa mga taga-industriya.
 
“It’s a dream come true sa atin sa film industry,” pahayag ni Chairman Liza during the event na napaluha.
 
Sa naturang kaganapan kanina, inanunsyo din ni Chairman Liza ang gagawing Summit and National Registry for the Filipino Film Workers na magaganap sa August 30-31, 2017 sa  UP Film Center na dadaluhan ng mga representatives ng iba’t ibang mga grupo at indibidwal na magbubuo ng magna carta para sa ikauunlad ng mga manggagawa sa film industry.
 
Dumalo sa MOA signing kanina para magbigay suporta sa proyekto ng FDCP sina Bibeth Orteza, Direk Joel Lamangan, Moira Lang at Cherry Pie Picache.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleAljur Abrenica, nag-first taping day na para sa FPJ’s Ang Probinsyano
Next articleEmpoy Marquez and Alessandra de Rossi: Two Less Lonely People in the World

No posts to display