Ipinagdiwang this March 8 ang International Women’s Day with lots of activities.
Sa hanay ng mga kaibigan natin mula sa women’s group na Gabriela, mayroon silang kilos-protesta para manawagan ng trabaho, lupa, katarungan, at kapayapan starting with the rally sa harap ng US Embassy sa Roxas Boulevard patungong Bonifacio Monument malapit sa Manila City Hall hanggang sa Mendiola na magtatpos sa isang programa roon.
Sa usaping showbiz, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pamumuno ni Chairperson Liza Diño, ise-celebrate ang Women’s Month sa pamamagitan ng isang month-long celebration na puno ng activities na naka-focus sa isyu ng kababaihan.
This Wednesday, ilo-lunch ng FDCP ang “Panay Pinay Pelikula” with the screening of the movie “Ganap na Babae” sa araw na ito, kung saan ang naturang film ay magkakaroon ng screening mula March 12 to 18, 2017.
Magkakaroon din ng photo compilation na pinamagatang “Panay Pinay Potographiya” that will feature women at ang kahalagahan nila sa pagbabago.
Kabilang din sa selebrasyon ang “Planting Seeds: The Future of Philippine Cinema”, a film education symposium for film educators and students na nagsimula sa major cities sa probinsiya na magku-culminate sa Manila starting this Thursday, March 9 at magtatapos sa March 11, kung saan kasama ang award-winning directors na sina Joel Lamangan, Jose Javier Reyes, Cathy Garcia-Molina, at marami pang iba.
Ang FDCP ay nakipagtulungan din sa Philippine Commission on Women (PCW) sa pamamagitan ng “Cine Juana” para sa serye ng libreng screening mula March 20 to 24, 2027 na magaganap sa Cinematheque Centre Manila sa my U.N. Avenue sa Manila.
Kabilang din sa month-long celebration ng FDCP ang “Espacio Femenino” (Women Space), para sa libreng sine na magtatampok sa kababaihan at kanilang issues and concerns sa pamamagitan ng documentaries na dinirek ng Spanish filmmakers.
Pahayag ni Chairperson Liza, “We are proud and excited to celebrate the International Women’s Month through our activities. We hope that through our program, Filipino women audience, filmmakers, and educators will be inspired and encouraged to not just celebrate their femininity but also use it to affect positive change in our society.”
Para sa iba pang detalye, puwedeng masilip ang social media ng FDCP sa Facebook o mag-email sa: [email protected].