More than two months na walang trabaho ang mga taga showbiz industry dahil sa lockdown na idinulot ng covid-19 crisis kaya excited ang lahat ng mga taga-telebisyon at pelikula na muling magtrabaho ngayong isinailalim na lang ang bansa sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ at sa pagdating ng sinasabing “new normal.”
Makatutulong ang inilabas na guidelines ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pangunguna ni Liza Diño, para habang nagtatrabaho ang mga artista, production staff, at iba pang nasa industriya ay aware sila kung paano maiiwasan ang covid-19.
Narito ang FDCP guidelines:
1. Movement/physical distancing restrictions
- Maximum number of people on set must be limited to 50 people
- Must provide history of travel within the last four weeks
- Casting must be done remotely over video conferences or using self-tape
2. On set sanitation and hygiene
- There must be handwashing areas on the set
- Any wardrobe to be used must be certified to have undergone deep cleaning before and after the shoot
3. On set behavior (health precautionary measures)
- A certified nurse must be present on set at all times
- All shoot attendees must undergo temperature checks before entering the set
- Anyone exhibiting mild or severe symptoms of COVID-19 is not permitted entry to the set
- A skeleton workforce system must be utilized to limit numbers of cast and crew on set
- The production company must provide face masks to its cast and crew
- Camera/s must be two meters away from a talent at all times
- All holding areas for talents and crew must be set up outside, if possible, for better ventilation
- Interior spaces must have enough ventilation
4. Food and catering
- All drinks must be in single serve containers, ie, water bottles and cans
- Sit-down meals must be set up to have a one-meter distance between seats
5. Scene restrictions
- Mass gatherings are restricted (e.g. night club scene, church congregation, political demonstration, parades and festivities, sports and any public tournaments, large concerts, and championship games)
Ayon pa sa FDCP Chairperson, dapat ay maging masunurin ang mga empleyado ng produksyon para maiwasan ang transmission ng COVID-19.
“Pagdating sa mga location restrictions at sa scene restrictions, dahil nga bawal ang mass gathering, alam natin pagdating sa production shoot hindi naman ‘yan camera at may tao tapos sinu-shoot na natin ‘yung eksena. Talagang nagse-set up tayo at nagsi-simulate tayo ng real life, so hindi muna natin pwedeng gawin ngayon,” tugon ni Liza sa naganap na “Laging Handa” press briefing.
“Ang mga malalaking eksena, ‘yung mga eksena that constitute mass gatherings, katulad ng mga night club scene, political rallies, mga concerts, parada, festivals, mga malalaking parties, siyempre, it involves people and mahihirapan tayong ma-control ‘yun dahil number one, pinagbabawal sa atin ngayon ‘yun,” patuloy pa niya.
Kinakailangan din na pairalin ang social o physical distancing para maiwasan ang hawaan kung sakaling mayroong carrier sa production set.
“Kasama rito ang strict social distancing measures na naaangkop at naka-contextualize film industry, ang ating mga health at sanitation protocols, na dapat nating isapuso at isabuhay, at ‘yung medical precautions na dapat nating tinatandaan,” lahad pa niya.
Limitado rin sa bilang ng mga taong dapat na maging bahagi ng shoot sa isang production set-up na hindi lalagpas sa 50 katao.
“Nakakatuwa dahil magsisimula ang produksyon pero nakakakaba rin dahil nakasalalay din dito ang safety ng ating production workers,” pahayag pa niya.
Mahirap man sa simula, umaasa si Liza Diño na magandang simula na ito para muling manumbalik ang sigla sa larangan ng entertainment sa Pilipinas.