FDCP’s PISTA NG PELIKULANG PILIPINO 2018, INILUNSAD

FDCP Chairperson Liza Dino with PPP 2017 actresses Chai Fonacier, Jaclyn Jose and Anna Luna

BONGGA at nasa 2nd year na ang FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino.

 
Akala ng marami, hindi magiging successful ang pakulo ng FDCP sa pamumuno ng kanilang Chairperson Liza Dino dahil sa sampu-sampera na ang mga film festivals sa bansa na halos every other two months ay may mayroon pa-festival ang iba’t ibang mga organisasyon na ang ilan, ang habol lang ay ang makahuha ng sponsorship na kung may taga-suportang pinansyal ay may pera, pero waley naman saysay ang mga film festival nila bukod pa sa mga regional paandar ng mga “artista-artisan”.
 
Happy to learn na ang PPP sa pangalawang pagkakataon ay magsisimula sa August 15 to 21, 2018.
 
Pista ng Pelikulang Pilipino’s Liza Dino and Direk Carlitos Sigeon-Reyna

Last year ay isinagawa ng PPP noong August 2017 na tumakbo ng seven days na sa umpisa pa lang ay mainit na ang pagtanggap ng publiko sa naturang film festival lalo na ng mga kabataan at mga mag-aaral.

 
Bongga ang napiling line-up para sa PPP Selection Committee na kinabibilangan ng film editor na si Manet Dayrit; cinematographer Lee Briones; film directors Joey Javier Reyes and Carlitos Seguion-Reyna ang producer-actress Cherie Gil.

One nice thing about Pista ng Pelikulang Pilipino ay ang short film category nila na Sine Kabataan in partnership with the UNICEF kung saan ang dating NYC Chairperson na si Ice Seguerra ay magiging Sine Kabataan Ambassador.
 
Open na ang PPP para tumanggap ng mga pelikulang ilalahok sa naturang all-Filipino film festival.
 
Ang walong (8) mapipiling mga pelikula ay ia-announce sa unang linggo ng Hulyo.
 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleBlind Item: Binatang aktor, selosong boyfriend!
Next articleHINDI BILIB SA LOVE TEAM: “Mas naniniwala ako sa galing ng artista ko!” – Direk Jason Paul Laxamana

No posts to display