MATAGUMPAY ANG PANGALAWANG Battle of the Champions ng pinakamalaking talent search sa telebisyon ngayon, ang Talentadong Pinoy. Pumalo sa ratings ang dalawang gabi ng performance at results night ng show at talaga namang tinutukan ng buong bansa ang pagpapakitang gilas ng mga talentado.
Si Joseph ‘The Sand Artist’ Valerio ang itinanghal na Ultimate Talentado ng 2011 at nag-uwi siya ng 4-year scholarship grant, brand new car, isang milyong piso at ang prebilihiyong mai-represent ang bansa sa 2011 World Championships of the Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood.
Ayon pa sa host nitong si Ryan Agoncillo, very proud siya sa mga hall of famers ngayong taon dahil walang itulak-kabigin sa kanilang mga ta-lento. “Maghahanap na naman tayo ng mga hall of famers, magle-level up, kasi, we’re going international. We’re still working out with details,” kuwento pa ni Ryan.
Pasasalamat lang ang nais niyang ipaabot sa lahat ng mga tumatangkilik sa show na naging daan upang magkaroon ang ibang istasyon ng kaparehong format simula nang tangkilikin ito ng madla way back 2008, ang taon kung saan nagsimula ang Talentadong Pinoy.
Sabi pa ni Ryan, walang sikreto ang kanyang show kungdi, “’Yung mga talentado mismo ang sikreto, ang kanilang mga angking galing na ipinapakita sa show.”
BLIND ITEM: KINSA siya? Hindi pa masyadong matagal ang kuwentong ito tungkol sa isang sikat na mataray na aktres na umano’y Tagalog lang ang dapat itanong sa kanya sa mga presscon dahil hindi siya masyadong marunong mag-English.
Ayon pa sa aking source, sa isang event kung saan ini-launch sila ng iba pang mga endorsers ng isang produkto, todo-English ang female host ng event, asking ng kung anik-anik sa ibang endorsers in English tungkol sa produktong ineendorso nila.
Kapag ang tatanungin ay ang mataray na aktres, nagtataka ang press people kung bakit may-I-Tagalog na ang female host. Natural na Tagalog din ang sagot nitong mataray na aktres. Asking na naman itong female host sa iba pang endorsers, in English pa rin ang kanilang mga sagot. Kapag ang mataray na aktres na, Tagalog na naman ang question sa kanya!
Ni-require ba ng ma-nagement ng mataray na aktres na bawal siyang Inglesin sa presscon at baka hindi niya masagot ‘yon fluently?
Naku, may history itong mataray na aktres sa mali-maling pag-i-English!
MASUWERTE SI VICTOR Basa dahil nakakatawid siya ng dalawang istas-yon na hindi nai-enjoy ng iba. Para kay Victor, may mga gusto siyang gawin bilang artista na hinahanap-hanap niya katulad ng pag-arte sa isang teleserye.
Ang huling soap niya ay ang successful na May Bukas Pa ng ABS-CBN kunsaan gumanap siyang pari. Pagkatapos ng serye, naging matumal ang TV projects ng binata. Pero ngayon, pasok na naman siya sa pinakamalaking dramaserye ng TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak kung saan gagampanan niya ang role ni ‘Marco’ na magpapaibig sa isang inosenteng probinsiyanang si Arci Muñoz.
Nang makausap namin si Victor, inurirat namin sa kanya ang tungkol sa pagpayag ng Star Magic ng Dos na lumabas siya sa kalabang istasyon nito. Aniya, “I really wanted a soap, it just so happened na ang opportunity ay nandito sa TV5. I liked it here. I’m very thankful sa opportunity na ‘to.”
Going strong naman daw ang relasyon nila ng socialite na si Divine Lee. Kasal na nga ba ang susunod sa matibay nilang samahan?
“’Yung ganyang mga plano, sa amin na muna ‘yun. I wanna keep it very personal. I think, hindi naman maggi-girlfriend kung walang planong pag-aasawa. Pero sa ngayon, amin na muna yun,” paliwanag ng binata.
Sure na ‘to
By Arniel Serato