AS EXPECTED, super box-office success ang World Premiere ng epic film na Felix Manalo na pinagbibidahan ng versatile actor Dennis Trillo sa direksyon ng award-winning director Joel Lamangan under Viva Films. First time, in the history of Philippine cinema, ngayon lang ginawa ang premiere sa Philippine Arena na ang seating capacity ay nasa 55,000. Present ang representative ng Guinness para saksihan ang biggest event of the year. Sa speech nila, sobra silang na-thrill nang makita nila ang auditorium na punung-puno ng mga tao. Nakuha ng Philippine Arena ang “the largest audience attendance in a film premiere and screening” and “the biggest screen indoor” (22 meters by 40 meters screen) mula sa Guinness World Record. Ipinagkaloob ang awards ng Guinness sa mag-amang Vic del Rosario at Vincent del Rosario at sa INC.
Grabe ang ipinakitang suporta ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa kanilang sugo na si Felix Manalo. Solid ang kanilang samahan at paniniwala sa INC. Before the film started, may special presentation muna ang grupo ng INC. Tumayong host sina Isabelle Daza at Richard Gutierrez sa napaka-special na okasyon. Isa-isa nilang ipinakilala ang mga cast ng Felix Manalo na sina Jaclyn Jose, Gabby Concepcion, Gladys Reyes, Allan Paule, Mike Magat, Bela Padilla, Dennis Trillo, Direk Joel Lamangan, at marami pang iba. Ipinakita rin ang music video ni Sarah Geronimo na siyang umawit ng theme song, composed by Louie Ocampo.
Kinunan ang nasabing pelikula for 58 shooting days over the period of eight months. Sabi nga ni Direk Joel, “Felix Manalo is a monumental as it traces the origins and growth of the INC. It painstakingly covers and replicates events and location as early as 1886 when Ka Felix was born until his demise in 1963. Outstanding ang acting performance ni Dennis Trillo lalo na sa mga dramatic scenes nito with Bela Padilla (as the wife of Felix), Phillip Salvador, Gabby Concepcion (as older Ka Erano Manalo, Ka Erdy) and Jaime Fabregas (as the priest). Sakto lang pati pagdi-deliver niya ng dialogue, parang hindi umaakting sa harap ng kamera.
Kahit 2:45 minutes ang kabuuan ng pelikula, hindi nakaiinip. Mabilis ang facing at puro magagaling ang mga artistang nagsisiganap kahit 1 or 2 scenes lang sila. Markado naman ang character na pino-portray nila. Napakaganda ng production design, makikita sa bawat eksena ng mga artista. Maging ang costume design, mukhang luma. Bumagay sa sepyang kulay ng film ni Direk Joel. Sa kabuuan, nag-enjoy kami at may aral kaming natutunan sa true-to-life story ni Felix Manalo. Congrats!
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield