KARAPATAN NI FELIX Roco sakali mang itanggi niya ang chikang nagkatensiyon sa shooting ng indie film niyang Pendong, isang road trip movie nila nina Alwyn Uytingco at Will Devaughn, directed by Sean Lim. Pinabulaanan ng young actor na may namumuong alitan sa kanila ng dad niyang si Bembol Roco.
Unang kumalat kasi ang sitsit na hindi pala in good terms sina Felix at Bembol, at sa nasabing set nga nadiskubre ng staff ang tampuhan ng mag-ama. Sa presscon ng Rosalka, kung saan leading man si Felix ng inilulunsad ng Kapamilya network to full stardom na si Empress, dito binomba ng press si Felix sa isyung awayan nila ng amang si Bembol.
Halatang nagulat si Felix sa mga tanong ng press. Magkaganoon man, inamin nitong ilang taon na palang hiwalay ang ama niya sa ina nito. Eh, bakit ngayon lang ito na-leak sa media?
“Wala naman pong nagtatanong siguro noon,” say ni Felix, na umaming naging masama ang loob sa ama noong naghiwalay sila ng ina nito, pero ang mahalaga raw ay okey na sila ngayon.
Hindi rin umano sure si Felix kung nag-asawa na ng iba ang amang si Bembol. Ang mahalaga raw, lately ay nag-uusap na raw sila, at ‘yun ang mahalaga. Itinanggi rin nitong nagrerebelde siya sa pangyayaring ito sa buhay niya kaya siya nagyoyosi na at nagpa-tattoo, na ayaw na ayaw ni Bembol.
Mukhang malayo pa ang itatakbo ng isyung ito, magge-guest pa si Felix sa ABS-CBN talk shows to promote Rosalka, kaya sana ay maging consistent siya sa kanyang mga pahayag.
Leading man din ni Empress si Matt Evans sa newest teleserye ng Dos, kung saan kasama rin sa cast sina Dominic Ochoa (from pari sa May Bukas Pa ay rapist na dito), ang veteran actress na si Mila del Sol, Bernard Palanca, Justin Cuyugan, etc.
NANG LUMUSOB ANG maraming fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa premiere night ng You To Me Are Everything sa Megamall recently, marami ang hindi nakapasok sa loob ng sinehan dahil apaw na ng mga tao sa loob.
Iba rin pala ang suporta at pagmamahal ng Dong-Yan fans dahil isang blockbuster ang romantic comedy film na ito ni Direk Mark Reyes. Dahil on its opening day, ayon sa Regal supervising producer na si Manny Valera, naka-16M gross ito.
On its second day, nag-text muli si Direk Manny: “Nagdagdag ng 10 theaters ang You To Me Are Everything starting today after an opening day gross of 16M. Ganda ng word of mouth feedback… Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!”
Kaya naman tinext namin si Dingdong and asked for his reaction, at ito ang reply niya sa text: “Isang malaking blessing na nagkaroon ako ng romantic comedy movie, much more na ang kasama ko ay si Marian.
“Lalo pang dumagdag ang pagiging importanteng project na ito for me dahil sa pagtangkilik ng mga tao sa takilya.
“Dahil sa kanila, mas lalo kaming gaganahang gumawa pa ng mga pelikulang kagigiliwan ng lahat. Maraming salamat po sa lahat ng bumubuo ng pelikula.
“Lalung-lalo na sa mga taong nanood na at manonood pa. Mabuhay po kayong lahat!” Text ni Dong, na ramdam namin ang pagiging totoong-totoo na galing sa puso ng guwapong aktor.
In all fairness, kahit na nga ang respetadong film critic na si Mario Bautista ay may good review sa movie, huh! Isa itong feel-good film na hindi dapat palagpasin ng solid Dong-Yan fans!
Sa panahong nakaka-stress ang mga balitang politics sa bansa, we highly recommend this feel-good movie. Pagpapatunay lang na panalo sa publiko ang great big screen chemistry nina Dingdong at Marian, ‘noh!
Congratulations for a certified hit flick!
Follow us at Twitter: http://twitter.com/mellnavarro
Mellow Thoughts
by Mell Navarro