“SARAP NG EXPERIENCE. I was able to connect with passionate people who love independent cinema.”
Ito ang masayang balita na sinabi ni Marvin Agustin nang salubungin ko siya sa airport noong Miyerkules, mula sa pagiging jury sa Brussels Film Festival, kung saan pitong iba’t ibang bansa ang nagsagawa ng deliberation, para sa winner ngayong taon.
Matatandaang naimbitahan si Marvin noon para kumatawan sa entry film ni Direk Joel Lamangan na Sigwa, dahil isa siya sa mga aktor ng indie film na ito. Subalit nang mapanood ng Brussels Film Board ang mga naging performance ni Marvin sa mga naging role nito sa mga indie film na tulad ng Sigwa at Red Shoes, humanga ang mga ito.
Kaya ang pagpunta sa Belgium ni Marvin ay naging malaking challenge para sa kanya dahil sa pagkakahirang niya bilang jury, at kakatawan sa ating bansa at sa buong Asia. Dahil sa pitong jury, siya lamang ang Asian representative ng nasabing film festival.
Sobrang kabado ako, I’m too young for this.” ‘Eto ang nasambit ng sobrang sayang Marvin sa akin. Bonus pa nga raw sa experience na naranasanan niya ang paghanga ng mga kasamahan niyang jury at mga taga-Brussels sa mga Pinoy indie film, at marami raw ang nag-pledge at nakipag-usap sa kanya na willing daw mag-invest o mag-produce ng Pinoy films.
“We won Best Picture for ‘Donor’ and Ms. Meryll Soriano won Best Actress for the film ‘Donor’,” buong pagmamalaking ibinalita ni Marvin. At during deliberation daw roon, nasubukan ang kanyang integrity as jury dahil ayaw raw niyang magkaroon ang mga kasamahan niya ng feeling of being bias dahil Pinoy film daw ang nakasalang sa deliberation.
Sa pagtatapos ng Brussels Film Festival, maraming natutunan si Marvin. At dahil daw sa experience niya, susuportahan daw niya ang lahat ng independent film dito sa ating bansa.
BLIND ITEM: ISANG female TV host na na-link sa isang batang reality star search winner ang napagdududahan na nagbuntis at nagpalaglag.
Ayon sa chismosang aking nakausap, nagpa-laundry raw itong female TV host na ito sa kanila. Nakagugulat daw, dahil puro dugo ang kobre-kama, underwear at mga damit nito na nakasilid sa isang garbage bag. Ang akala nga raw sa laundry shop, may patay na tao sa mga damit nito dahil sobrang daming dugo raw…
At ang nakagugulat daw rito, sinabi nitong female TV host na ito na may menstruation daw siya kaya may dugo. Pero ang ikinaloka ng chismosang labanderang ito, bakit buo-buo at natuyo na ang dugo sa mga damit nito? At ang ikinaloka pa, bakit daw good morning towel ang gamit na pasador nito kung may menstruation? Eh, ‘di ba mura lang naman ang pasador, ‘yung may wings para lumipad na ‘yung naninigas na dugo sa kanyang underwear?
Pero ‘eto pa… ‘di ba’t napabalita ring hiwalay na sila ni reality star search winner, dahil ba sa pagpapalaglag nito… o dahil bente pesos lang pera nito? At sa ngayon daw, may bago na namang kinakasama itong female TV host na ito na produkto rin ng reality show.
Sana, maka-survive na this time ang love story ng female host na ito at nang hindi na siya nagpapa-laundry ng good morning towel, ‘noh… ‘Yun na!
The Lion’s Guard
by Gary de Leon