ATING NAPANAYAM ang isang makata… este, si Makata na si Ferdinand Clemente mula sa Talentadong Pinoy. Ayon kay Makata, ang kanyang talento ay mula noong siya ay naiimbitahan ‘pag merong pagtitipon simula nang siya ay nasa gulang na tatlong taon pa lamang. ‘Pag may nag-iinuman kasi, ganu’n daw talaga ang forte. Dating utility man siya sa isang botika at noong nakita niyang may pa-audition sa Talentadong Pinoy, agad niya itong pinuntahan, sa ‘di pag-aakala na mananalo siya rito.
Ang talent ni Makata ay ang kanyang boses. Siya ay isang Bulakeño, katulad din naman ni Balagtas. Tinanong ko siya kung kilala niya si Bert Marcelo at sinabi niyang idol niya ito. Ang mga raket-raket niya ay hosting sa mga piyestahan. Dagdag pa niya, “Talagang tanggapin na natin ang katotohanan na pawala na po ang kultura natin ng pagiging makata o balagtasan. ‘Yung ikinalulungkot ko, dati sa eskwelahan ‘yung, ‘oh, nanalo ‘yung anak mo sa buong Bulacan, sa buong Pilipinas’, pagkatapos noon wala na. Hindi naman nila pinapraktis ‘yun.”
“Ayun nakita naman nila ini-enjoy ko, nakapanonood ako ng competition, binago ko lang, naglagay ako ng salakot at doon ako nakilala. Natutuwa ako at nakukuha akong maging emcee. Bukod dito ay mag-iisang taon na akong may palabas, Agri-TV, sa ABS-CBN Sports + Action Channel 23.
Maiba tayo ng usap. Tanong ko, ‘may asawa ka na? “Meron na.”
Binulungan ko, paano mo niligawan? “Sa pagiging makata po talaga.”
Talaga? Ang galing naman, paano, paano? Ano ‘yun, me dala kang bulaklak? “Ganito ‘yon… kung ikaw ba’y liligawan, ako’y iyong sasagutin; kung ikaw ba’y iibigin ako’y mamahalin; payag ka bang tayo’y mag-date at sa labas ay kakain; mahuli man ng misis ko’y masaya akong ililibing. Hahahaha!”
“Ah, iyon po ang pambigay sa mga magagandang mga babae, para ipaalam ko sa kanila na may misis na ako. Kung gusto nila ako eh, picture-picture na lang,” pagbibida pa ni Makata.
Hahaha! Eh, kung misis mo paano mo siya niligawan? Tugon ni Makata, “Ang mata mo’y parang bituin sa langit, boses mo’y tila ibong umaawit, puso ko’y binihag kinulong ang isip, ng mga ngiti mong tila may pang-akit… ‘yang mga ganyan, diyan siya natutuwa. Kaya kapag nakikita niya akong nagtatanghal sa entablado eh, tuwang-tuwa siya.”
Me modern lines ka ba? “Opo.”
Ano iyon? Iyong rap na-try mo na? “Ay, opo! Nagra-rap po ako.”
Oh sige i-try kaya natin. Halimbawa, ‘Yo, yo.. kung ikaw ay aking iibigin… yo!’ “Ganito po (mabilis na rap), ‘kumusta ka aking giliw aking sinta, hindi lang iniibig, minamahal sinisinta. Sa paggising, pagtulog, alaala umakyat at manaog sa paraiso ang puso ko ay nakahubog…’ Talaga pong ganu’n din ‘yung mga piyesa.”
Ani pa ni Makata, “Ang pangarap ko ay maging bahagi ng isang programa sa TV na for example ay Startalk or The Buzz na patula kong ire-report. Halimbawa… ‘hiwalay na sina… Derek at Angelica. Si Shaina, ‘wag nang mag-alala kasi kami na.”= Pa-rap pang kinanta ni Makata.
Ano ang kaibahan mo kay Mark Logan? “Iyong akin po, talagang tula po talaga siya. Kay Mark Logan po, more on documentary and on current events na report na iyong boses po at pag-deliver niya ay nilalagyan ng tono, iyong sa akin eh, tula talaga siya.”
Pero ang the best eh, nakapuwesto na talaga si Makata. “Ang nakaka-jackpot po ako talaga eh, kapag panahon ng eleksyon. Ako talaga ay kinukuha ng mga politiko. Iyon pong line-up nila halimbawa iyong hindi masyadong sikat na konsehal ay nagkakaroon ng mga nakakikilala. Para bang, ‘ito si Konsehal, dapat makilala ninyo… kinabukasan ay nasa kanyang mga kamay? Itong si konsehal ay maasahan mong parati, sapagkat napakahusay po talaga niyang dumiskarte. Sa buhay matulungin, ‘yan po ang importante. At siya po ay guwapo sapagkat may balbas at bigote.”
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
E-mail: [email protected], cel. no. 09208534394.
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia