NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Hihingi lang po kami ng tulong upang mapahinto ang mga pinaggagagawa ng isang barangay chairman dito sa Viga, Catanduanes. Mayroong 100 bags ng fertilizer na galing sa Department of Agriculture na hindi ibinibigay sa mga magsasaka ng nasabing barangay. Sa halip ay ipinapadala niya sa kapaitd niya sa Mindoro na nagmamay-ari ng isang sakahan. Sabi ng chairman ay wala raw kumukuha na taga-barangay ng pataba kaya ipinamigay niya. Sa totoo lang po ay ilan lang sa barangay ang nakaaalam ng tungkol sa libreng fertilizer kaya walang nakakukuha.
Baka puwede n’yo naman po kaming tulungan dahil napakaraming langaw rito sa barangay namin dito sa Guyam Malaki, Indang, Cavite dahil may manukan. Isang residential area po ang lugar namin. Ilang beses na po namin itong inireklamo sa kapitan pero hindi inaaksyunan. Pati sa sanitary ay inilapit na namin ito ngunit hanggang ngayon ay walang aksyon na ginagawa ang munisipyo. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Dito po sa Brgy. San Isidro sa Makati ay napakatalamak ng pagdo-double parking ng mga truck at taxi sa main road namin at nagdudulot ng blindspot. Napakadelikado po at ginagawa rin pong tambakan ng towed vehicles ang main road namin. Wala pong ginagawang aksyon ang mga kinauukulan.
Isusumbong ko lang iyong kalsada diyan sa kahabaan ng McArthur Highway sa Montalban, Rizal dahil sira-sira na po at hindi inaayos. At kung alin iyong matinong kalsada ay siya namang binabasag upang ayusin.
May isusumbong lang ako rito sa may Brgy. San Luis, Antipolo City dahil iyong kalsada ay binungkal nila pero hindi nila sinementuhan kaya marami tuloy ang naaaksidente rito. Sana po ay makatulong kayo sa amin. Salamat po.
Isa po akong concerned citizen dito sa Negros Occidental, irereklamo ko lang po iyong mga teacher na nagpapaamot ng P100.00 bawat estudyante para pambili ng bagong electric fan at iyong iba ay pang-ayos ng lababo.
Magpapatulong sana ako na maipahinto na iyong mga sinisingil na bayarin sa school. Mga estudyante po kasi ang pinagbabayad nila ng electric bill, security guard, PTCA, test paper, at pagpapa-xerox ng mga textbook, atbp. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Irereklamo ko lang po ang school na naniningil ng mga illegal na contribution tulad ng sa janitor at kung anu-ano pa. Ayaw ibigay ang card ng bata habang hindi pa nababayaran. Dito po ito sa Hagonoy East Central School sa Hagonoy, Bulacan. Maraming salamat po.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TVChannel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo