MULA NANG magsimula ang UAAP Season 78, sa Round 1 at Round 2 pa lamang ay itong dalawang uinibersidad na ito, ang FEU at UST, ay laging tabla sa 1st spot sa ranking, at kung hindi naman tabla ay magkasunod lamang kaya hanggang sa Semi-finals ng UAAP Season 78 Men’s Basketball ay nanguna itong dalawang unibersidad, FEU Tamaraws laban sa Ateneo Blue Eagles at UST Growling Tigers laban sa defending champion, ang NU Bulldogs, kaya naman hanggang ngayon ay sila ang nanguna at ngayon ang naglalaban sa Finals upang makuha ang titulo bilang champion para sa season na ito.
Alam n’yo ba na nung 1979 pa ang last time na nagharap ang UST at FEU sa Finals, kung saan nagwagi ang FEU Tamaraws? Mahigit 36 years na ang lumipas, pero ngayong 2015, ngayong season kaya, sino ang magtsa-champion? Maging pang-20 championship title kaya ng FEU ngayong 2015? O tatabla ang UST sa 19th title ng FEU? Abangan natin ‘yan.
Nagsimula na ang Game 1 ng UAAP Finals nung November 25 na ginanap sa MOA Arena, at para sa mga team bahay naman ay suportahan pa rin ang live coverage ng game na mapanonood sa Studio 23.
Nakuha ng FEU Tamaraws ang Game 1 ngayong Finals at tila ang laban nila ng UST Tigers ay napakaganda at talagang pang-finals, dahil kahit game 1 pa lamang ay intense na ang mga kaganapan, intense na ang bawat ipinapakita ng both teams na determinado na gustung-gusto nila talagang mag-champion para sa season na ito.
Simula nung first quarter, umusbong ang UST Tigers at hindi nagpahuli ang FEU Tamaraws na humabol at lumamang na sa UST. Napakagandang depensa naman ang ipinakita ng FEU at malupit na shoot ng first five ng FEU lalo na si Pogoy. Natapos ang first quarter sa score na 24-28, in favor of FEU.
Sa second quarter naman ay nananatili lamang ang FEU na mahigit 12 na puntos na 31-43 na may dalawang minuto pa sa oras at nagtapos ang quarter na ito sa score na 34-47, FEU. Painit nang painit ang laban sa pagpasok ng 3rd quarter at dito ay humabol ang UST, kung saan 14 points ang biggest lead ng FEU down to 6, pero nanatili ang kalamangan ng FEU Tamaraws nang magtapos ang quarter na ito sa score na 51-57. Sa pagpasok ng 4th quarter ay dumikit ang laban at lumamang ang UST, pero binawi ng FEU at umusbong ang kalamangan ng FEU sa 62-67 na may 1 minute and 57 seconds na natitira, hanggang sa lumayo na ang kalamangan ng FEU at nagtapos ang quarter with a final score na 64-75, wagi ang FEU sa Game 1 ng UAAP Finals Series.
‘Ika ng head coach ng FEU na si Coach Nash Racela, ang depensa nila ang nakatulong para manalo sa Game 1, pati ang hardwork ng players niya. Expected naman nila sa Game 2 ay ang UST will come back strong at ‘ika rin niya ay they learn their lesson nung last season nung finals.
Sa Game 2 kaya ay tanghalin nang Champion ang FEU ngayong UAAP Season 78? O makukuha ng UST ang Game 2 para maitulak ang isa pang game, ang Game 3? Abangan natin ang tumitindig at sumusulong na kaganapan sa UAAP Season 78.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo