LAHAT AY Excited at kinakabahan sa Game 3 kung sino ang magwawagi. ‘Ika nga nila, ito ay labanan ng Morayta at España. Sino ang mag-uuwi ng Korona? Tinanghal na kampeon ang FEU Tamaraws matapos talunin nila ang UST Tigers sa Final score na 67-62. Simula ng quarter ay napakaganda na ng ipinakita ng parehong team. First quarter pa lamang, dikit na dikit na ang laban, lamado nang isa ang UST Tigers sa pagtatapos ng quarter sa score na 19-18. Pagpasok naman ng second quarter, kitang-kita ang determinasyon ng FEU at UST at sa end of 2nd quarter ay tablado ang parehong team sa score na 30, talagang ang tindi ng laban dahil dikit lamang at, ‘ika nga, pang-finals talaga ang kanilang ipinakikita. Sa 3rd quarter naman, lumamang na ang FEU nang mahigit 10 points kontra UST at down to 5 na lamang ang kalamangan ng FEU matapos ang huling tira na tres ni Lee sa 3rd quarter, 46-51 in favor of FEU. Sa pagpasok ng 4th quarter, tila napako ang FEU sa score na 51 at lumamang ang UST nang 6 points 51-57, humabol ang FEU hanggang sa isa na lamang ang kalamangan ng UST 59-58, mga ilang minuto ay 60-58 na ang score at naka-tres si Pogoy na nagbigay ng kalamangan sa FEU 60-61 with 1:27 na oras na lamang. Hanggang sa segundo na lamang ang natitira ay umusbong na ang kalamangan ng FEU, at tinanghal na kampeon nitong UAAP Season 78.
Sobrang saya ng FEU MBT at buong FEU community dahil matapos ang isang dekada, huli silang magkampeon noong 2005, sa wakas ay nagwagi na silang muli. Ibinigay nila ang best nilang lahat dahil ayaw nilang maulit ang nangyari last season. Dejavu, ‘ika nga, ng sa 1st game ng finals kontra NU Bulldogs ay nagwagi sila ngunit Game 2 at 3 ay nabigo. Pero ipinakita talaga nila na they learn their lessons noong nakaraang season.
Ang Graduating na si Mac Belo ang tinanghal na Finals MVP na sa game 3 ay naka-23 points at 8 rebounds, nag-average siya ng 17.3 points, 10.7 rebounds, at 1 block per game sa Championship series. Ito ang ika-20 championship title ng FEU sa UAAP Men’s Basketball at sila pa rin ang may pinakamaraming Championship title sa UAAP na sinusundan naman ng UST at UE na may parehong 18 championship title.
Sa MOA Arena ginawa ang game, kung saan ang mga malalaking banner ay ipinagbabawal dito. Pero para-paraan na lamang ang iba gamit ang mga short bond paper o long msn dahil hindi naman consider ito na malaki. Agaw pansin pa rin ang mga nakatutuwang banner mula sa dalawang unibersidad tulad ng NASHamin ang ChamFEUn at sa iba naman ay #ABDULNation, Ito na ang Tamang Panahon. Meron din ang Today is the Day mula sa FEU at ang tila parang reply ng FEU sa banner ng UST noong Game 2 “Thomasians Sina Popoy at Basha, May Second Chance” sa kanila naman ay “Hindi Lahat ng Second Chance, May Happy Ending”.
Kahit matindi man ang labanan, sa huli ay nandoon pa rin ang friendly competition ng parehong koponan nang mag-cheer ang buong FEU crowd at drummers ng “GO USTE” at gayon din ang UST na nag-cheer din ng “Lets Go Tamaraws Lets Go!. Sa muli, Congrats FEU Tamaraws – UAAP Season 78 Men’s Basketball Sr. Champion!
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo