NOONG NAKARAANG araw ay nakumpleto na ang Final 4, ang UST, FEU, ADMU, at NU matapos matalo ng FEU ang DLSU sa last game nila na isang crucial game para sa La Salle dahil kapag sila ay natalo, ang NU Bulldogs na ang papasok sa Final 4, at nakuha nga ng NU Bulldogs ang 4th spot para sa Final 4. Ang makahaharap ng UST Tigers ay ang NU Bulldogs at ang FEU Tamaraws naman ay lalaban sa Ateneo Blue Eagles kung saan ang UST at FEU ay may twice to beat advantage.
Noong November 21, naglaban na ang FEU Tamaraws at Ateneo Blue Eagles na kapag nanalo ang FEU ay pasok na sila sa Finals at kapag ang Ateneo naman ang nagwagi ay kailangan pa nilang manalo ng isa pang laban sa FEU Tamaraws para makapasok sa Finals.
Wagi ang FEU Tamaraws kontra Ateneo Blue Eagles sa isang napakagandang laban at tila, ‘ika nga ng iba, epic game kumbaga dahil dikit lamang ang laban at intense ang bawat segundo ng game. Panalo ang FEU kontra ADMU sa final score na 76-74, kung saan ay ang last shot ni Mac Belo ang nag-lead para sa kanilang 2 consecutive appearance sa UAAP Finals. Lumamang ang Ateneo with a big shot ni Kiefer Ravena with 71-74 score at sumagot ang FEU with a big three at nag-tie ang game sa 74 all. Konting segundo na lamang ang natitira at maaaring mag-take the lead ang Ateneo sa fast break shot ni Wong, ngunit hindi pumasok at agad namang nakuha ni Roger at ni-lay up ni Mike Tolomia, ngunit ‘di pumasok at nandoon si Mac Belo to turn that missed shot into a winning shot na magdadala sa kanila sa Finals na may 0.5 seconds na lamang ang natitira at na-shoot! Naghiyawan sa tuwa at saya ang buong FEU community sa kanilang pagkapanalo.
‘Ika nga ng iba, “Mac Belo strikes again”. kung ating matandaan, last season (UAAP Season 77) semis din, ang La Salle at ang FEU ang nagharap at tie din ang game, ngunit sa mga huling segundo ay naka-tres si Mac Belo at ang shot na iyon ang nag-lead sa FEU para sa Finals din at ngayon naman sa Ateneo naman nangyari.
‘Ika nga ng head coach ng FEU Tamaraws, si Coach Nash Racela, “It was Mac Belo who made the last shot but it was a team effort.” Kitang-kita naman sa court ang teamwork ng bawat team lalo na sa game na ito.
Ito na ang last game ng graduating player na sina Von Pessumal at ang MVP na si Kiefer Ravena. Bigo man na makapasok sa Finals ang team nila, pero nagpapasalamat ang dalawa, pati ang buong basketball team sa suporta lagi na ibinibigay ng Ateneo community.
Naghihintay na lamang ang FEU Tamaraws kung sino ang kanilang makakalaban sa Finals sa pagitan ng laban ng UST at NU. Sino kaya ang magwawagi sa pagitan ng UST at NU, Ang UST Tigers kaya? O ang defending champion na NU Bulldogs?
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo