Fil-Am na si Angel Bonilla, pambato ng Pinas sa International Pop Music Festival sa Europe

Angel Bonilla and Eduard Bañez
Angel Bonilla and Eduard Bañez

Full support ang Philippine Socialite sa Pinoy Pride na si Angel B. Bonilla.

Ayon sa kanyang mentor sa Philippine Socialite na si Eduard Bañez, sikat si Angel lalo na sa West Hollywood. Lumipad sa  Amerika ang dating Star Magic artist/ TV host ng Net 25 na si Eduard para suportahan ang nasabing mang-aawit.

Hinihiling ngayon ng Fil-Am girl na suportahan siya sa International Pop Music Festival sa Europe na gaganapin sa Varna, Bulgaria. Iboto siya sa www.discoveryfest.com para manalo.

Representative ng Pilipinas si Angel para sa Best Singer category kalaban ang kinatawan ng Italy, Azerbaijan, Ukraine, Turkey, Russia, Romania, Moldova, Malta, Spain, Indonesia, Bulgaria, atbp. First time na nakasali ang Pilipinas sa naturang music festival, gayundin ang Indonesia.

Ang mga singer at songwriter na kalahok ay galing sa 57 countries at six continents. Tatakbo ang  festival mula May 16 to 22 sa Varna.

Among the artists, whose successful career began with the “Discovery”, are winners of the festival Miro and Galya (ex “Karizma”), Dessy Dobreva and Grammy winner Jia Rua.

Si Angel ay naging finalist ng X-Factor Hollywood noong 2011 at isang Jazz singer. May sitcom din ito umano sa NBC.

Sa Cabuyao, Laguna ang province ni Angel at anak nina Adelita at Charlie Bonilla.

“Competing in the international song competition is a dream come true. I feel blessed and proud to represent my beloved country the Philippines. I would like to dedicate this to the Filipinos and also to the LGBT community.

“All my Hollywood friends are all supporting me like Celebrity Chef Joey Santos, Queer Eye for the Straight Guy Star Jai Rodriguez, Worlds First Super Model Janice Dickinson, two-time Grammy Karina Nuvo, and one of my mentors five-time Emmy award-winning actress, the star of “Everybody Loves Raymond” Doris Robert, and of course my dear friend Eduard Bañez.

“ I would like to ask support and prayers to my fellow country man. To bring home the trophy of discovery international pop song competition 2016 to be held in Varna, Bulgaria,”  pahayag ni Angel.

Ipagdasal natin ang tagumpay ni Angel sa nasabing  music festival.

Boobsie Wonderland
Boobsie Wonderland

Concert ni Boobsie Wonderland, na-postpone

HINDI PALA tuloy sa May 12 ang major concert ng Pambansang Baby ng Pilipinas na si Boobsie Wonderland sa Kia Theater. Sa July 15 na raw ito magaganap.

Hindi naman sinabi ni Boobsie kung ano ang dahilan ng pagkaudlot ng concert nito ngayong Mayo, pero sinabi nito na tulo na tuloy naman daw ito sa Hulyo 15.

Mabuti na nga lang daw at kaliwa’t kanan ang kanyang tanggap na trabaho sa ngayon at nilibot nito ang buong Pilipinas noong panahon ng kampanyahan.

Regular din siyang napanonood sa “Sunday Pinasaya” at sunud-sunod din ang guesting nito sa iba’t ibang show ng Kapuso Network, at napanonood din ito sa Zirkoh.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleKorina Sanchez at Karen Davila, nagiging laman din ng balita
Next articleDarren Espanto, may bagong album at malaking concert ngayong taon

No posts to display