SIGURADONG tumaas muli ang ‘Pinoy Pride’ ng mga kababayan natin lalo na ang mga nakatira sa abroad dahil isang Filipino-American musician ang nakasungkit ng Best Original Song Trophy sa katatapos lang na Oscars Awarding Ceremony.
Si H.E.R. (Gabriella Sarmiento Wilson sa totoong buhay) ay isang 23 year old fast-rising musician na ilang beses na rin nanalo ng awards sa Grammys.
Sinulat nito ang kantang ‘Fight For You’ na OST ng pelikulang Judas and the Black Messiah, na nominado rin for five Oscars at the 93rd Academy Awards. Ka-share niya ang mga co-collaborator niya na sina Dernst Emile II and Tiara Thomas.
“I am so, so, so grateful, not only to win but also to be a part of such an important, important, story,” sambit ni H.E.R. sa kanyang acceptance speech.
Hindi rin nakalimutan ng dalaga na banggitin ang kanyang mga magulang, na naging malaking impluwensya sa kanyang pagmamahal sa musika.
“All those days of listening to Sly & the Family Stone and Curtis Mayfield and Marvin Gaye really paid off, so thank you, dad,”
May mga nakapansin na Purple Rain inspired ang outfit ni H.E.R. noong araw na ‘yun bilang homage sa iconic singer na si Prince.
“Musicians and filmmakers, I believe we have the opportunity to tell the truth and write the history the way it was. Knowledge is power, music is power and as long as I am standing, I’m going to fight for us.”
Nabanggit din ni H.E.R. ang importansya ng kanyang pagkapanalo para sa women empowerment at Black Lives Matter movement. “I couldn’t think of better timing to win something like this. I’m happy to be at the Oscars, I’m happy to be part of this important film that’s educating people. I feel connected to my roots,” she said.
Tinalo ng Fight for You ang mga kantang Hear My Voice from The Trial of the Chicago 7, Husavik from Eurovision Song Contest: The Story of Fire Saga, Io Sì (Seen) from The Life Ahead (La Vita Davanti a Se from), and Speak Now from One Night in Miami.
Sa kanyang pagkapanalo sa Oscars at Grammys, konting kembot na lang sa Tony at Emmy’s ay pasok na siya sa EGOT Winners’ Circle. Bongga! Congrats, kabayan!