TUNAY NA napakasuwerte ng top 6 grand finalists ng Artista Academy ng TV5 dahil nabigyan sila ng pagkakataong makasalamuha ang pinakamalaki at pinakamaningning na mga bituin ng Philippine showbiz. Tampok sa special episodes simula Miyerkules hanggang Sabado ang kanilang memorable moments with the Star for All Seasons Vilma Santos, Megastar Sharon Cuneta, at ang Superstar na si Nora Aunor.
Alam nina Akihiro Blanco, Chanel Morales, Mark Neumann, Shaira Mae, Sophie Albert at Vin Abrenica na mas matitinding challenges pa ang naghihintay sa kanila lalo na’t sa October 27 na ang pinakaaabangang Grand Awards Night ng Artista Academy na gaganapin sa SMART Araneta Coliseum. Kaya naman napakagandang oportunidad na personal silang mapayuhan at ma-inspire ng itinuturing na pinakamatagumpay at tinitingalang artista sa industriya.
Ngayong Miyerkules, tampok sa Artista Academy ang courtesy visit ni Mark Neumann sa opisina ng Batangas Gov. Vilma Santos, na proud na proud dahil isang Batangueño ang nakapasok sa grand finals ng TV5 artista search. Ikinuwento ng Star for All Seasons kay Mark ang kanyang journey tungo sa kasikatan magmula nang magsimula siya bilang child actress sa murang edad na siyam. Binigyan niya rin si Mark ng isang “lucky charm” para lagi nitong maalala na laging pagbutihin ang kanyang ginagawa at patuloy na mag-aral para mahinang ang kanyang mga talento.
Sa Huwebes naman, si Sharon Cuneta ang magbibigay ng words of inspiration sa anim na Honor Students ng Artista Academy. Ibabahagi ng Megastar sa mga ito ang kuwento kung paano niya napagdaanan ang iba’t ibang pagsubok at tagumpay sa kanyang showbiz career.
Ang mga boys na sina Akihiro, Mark at Vin naman ay nabigyan ng pagkakataong gawin ang pinapangarap ng halos lahat ng mga artista sa bansa – ang makaeksena si Nora Aunor. Gagawa sila ng isang short film kasama ang Superstar at mapapanood ito sa darating na Live Exam nila sa Sabado. Matutunghayan din ang behind-the-scene footages ng kanilang shoot pati na rin ang mga komento ng Superstar tungkol sa kanila sa episode na ipapalabas nga-yong Biyernes.
VERY HONEST na sinabi ni Kris Bernal na nami-miss na niya ang kanyang masugid na manliligaw na si Carl Guevarra na mukhang umiiwas na yata after na mapabalitang sinabihan nito na huminto muna sa panliligaw at mag-focus muna sila sa kani-kaniyang trabaho.
Tsika nga ni Kris na hindi naman daw niya tuwirang sinabihan na huminto na sa panunuyo sa kanya ang binata, bagkus ay mag-lie low lang sandali, dahil pareho naman silang busy sa trabaho.
“Hindi ko naman siya exactly sinabihang tumigil manligaw. Wala lang akong time kasi naging sobrang busy nga ako. Busy rin naman siya with ‘Hindi Ka Na Mag-iisa’. Kung gusto naman niyang ituloy, puwede pa rin.”
Dagdag pa ni Kris na aprubado naman sa family niya si Carl na sobrang mabait, sweet at magalang kaya naman daw if ever na gusto nitong manligaw sa kanya ulit, wala naman daw problema sa kanya at sa kanyang pamilya.
BLIND ITEM: Grabe ang kaelyahan ng dalawang indie stars (babae at lalaki) na kahit behind the camera ay walang ginawa kung hindi maghalikan at magkilitian. Ang nakakaloka ay first time na nagkita at nagkasama ang dalawa sa pelikula, kaya naman naloka ang mga staff ng ginagawa nilang indie film sa gawi ng dalawa.
Kaya naman daw nang kunan na ang kanilang maiinit na love scene ay todo-bigay ang dalawa at tinotoo ang mga eksena, ilang minuto rin daw tumagal ang kanilang tsuktsakan at nang sumigaw ang director ng cut ay parang walang narinig ang dalawa at patuloy pa rin sa romansahan.
Nahiya na lang daw ang mga ito nang mapansin nila na nakasimangot na ang director at biglang naghiwalay. Pero ang bongga ay ng habang kinukunan ang ibang eksena na hindi sila magkasama ay biglang nawala ang dalawa at pumasok ng ibang room at doon itinuloy ang init ng katawan na kanilang nararamdaman.
Paglabas nga ng room kung saan ilang minuto rin silang nawala ay parehong all smile ang dalawa na mukhang solve sa kung ano man ang ginawa nila sa loob ng kuwarto. Tsika nga ng isang staff na kilala ang actor na mahilig talaga ito at lahat ng nakakapareha ay natitikman. ‘Yun na!
John’s Point
by John Fontanilla