SA UAAP Season 77, sabi nga ng iba, hindi pa nananalo ang NU Bulldogs kontra sa FEU Tamaraws sa UAAP Men’s basketball, pero ang Finals Game 2 sa pagitan ng dalawang unibersidad, binasag ng NU Bulldogs ang sabi-sabi na ito, bilog nga naman talaga ang bola.
Kapag tayo nga naman ay lumalaban sa Finals sa mga paligsahan, palakasan, pagalingang sumayaw o kumanta at iba pa, siyempre ibibigay na natin ang 100% na galing natin para masabing karapat-dapat tayo sa Finals o karapat-dapat tayong manalo. Sa isang paligsahan, palakasan o ano pa man, may matatalo at may nananalo talaga. Pero ang isipin na lang nating bawat isa na sumali o nakilahok sa ganitong bagay ay panalo na tayo dahil nagbigay tayo ng effort para sa mga paligsahan na ito.
Tulad ng laban ng FEU at NU, isa sa kanila ang hahawak ng titulo bilang champion sa UAAP Season 77. Pero kung sino man ang ‘di palarin, congrats pa rin dahil ang makalahok sa ganitong athletic association ay isang malaking karangalan na, bonus na ang pumasok sa Final 4 at lumaban para sa Finals. Sa Game 1 ay nanalo ang FEU Tamaraws at naganap naman ang Game 2 noong October 8, 2014 sa Araneta Coliseum kung saan ay nanalo ang NU Bulldogs, ibinigay nila talaga ang effort nila para manalo sa Game 2, kung saan lalong nagbigay ng excitement o thrill sa bawat mamamayang manonood at sa mga naglalaro, ang ganda ng laban kung ganito. Nanalo ang NU Bulldogs sa Game 2 laban sa FEU Tamaraws sa score na 62-47. Punung-puno ang big dome nu’ng Game 2, an’daming supporters ng bawat dalawang unibersidad na nakatutuwa sa puso at nakalalakas ng loob para sa bawat team, dahil nandyan sila para sumuporta, sumama, at magtiwala para sa bawat laban nila. Hindi lang Ateneo at La Salle ang nakapupuno ng Big Dome. Siyempre kaya rin ng ibang Unibersidad. Bilog talaga ang bola, hindi natin alam kung paano talaga ang ikot nito. Pero ang maaari nating gawin ay ibigay ang best natin kaya sa darating na Game 3, para sa dalawang unibersidad, ang Far Eastern University at National University, congrats sa inyo at ibigay pa ang best n’yo dahil final game na kaya good luck sa dalawang team.
Buwan na nga ng October. Maliban sa Finals ng paligsahan o palakasan at iba pa, kasabay rin ng Final Exams ng ibang estudyante dahil malapit na ang sembreak, pahinga-pahinga rin ‘pag may time. Mga kamag-aral, oo, isa na lang o, Finals na, huling hataw na para sa sem na ito, kaya sa mga babawi, bumawi na habang ‘di pa huli ang lahat, ‘wag susuko, puso at tiwala lang. ‘Ika nga kanina, minsan sa mga Finals, may nananalo, may natatalo, matatalo ka kung ‘di ka magre-review para sa Finals exam mo at mananalo ka dahil sa sem na ito, naabot mo muli ang matamis na tagumpay lalo na sa mga ga-graduate ngayong October, isang matamis na tagumpay nga naman talaga d’yan. Congrats sa bawat isa sa inyo. Tandaan natin, sa Finals hindi mahalaga kung manalo o matalo ka, ang mahalaga ay binigay mo ‘yung best mo.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo