Fire Trees sa Diliman

PAGSIPOT NG tag-araw, magpasyal kayo sa U.P. Diliman Campus. Sa gilid ng Administration Bldg. Mahigit na 30 fire trees ang nakahanay. Karamihan sa kanila, mahigit nang 30 taon. Subalit malulusog at mayayabong pa. Lahat ng sanga namumukadkad ng kulay apoy na ang pula ay lalong pumupula sa mabagsik na init ng araw. Nakakatigil-hininga.

Napag-alaman ko kamakailan, ang fire tree ay isa sa mga tinaguriang endangered species sa mga local trees. Kagaya ng narra – national tree – ang punong-kahoy ay ginagamit na first class furniture materials at flooring. Sa tuktok ng Mt. Banahaw at iba pang bundok sa Mindanao, tumutubo at namumukadkad ang punong-kahoy. Suki ring biktima ito ng mga kaingeros at illegal loggers. Ang problema ay ‘di pa natututukan ng pamahalaan.

Wari ko, ang fire trees ay maihahalintulad sa famous crisanthemum trees ng Japan. ‘Pag crisanthemum trees sa Japan, dagsa ang mga tourists at plant lovers para busugin ang mata sa napakagandang bulaklak ng kahoy. Nakakatigil-hininga.

Bakit ‘di natin pag-ibayuhin ang pagpo-propagate ng fire trees at gawing tourist attraction? Kung anu-anong kabalbalan ang inaatupag ng Department of Tourism at DENR.

Eksaktong kalagitnaan ng Abril namumukadkad ang bulaklak ng fire trees sa U.P. Diliman Campus. Magandang magpunta ‘pag malapit na ang dapit-hapon. ‘Di maintindihan kung bakit sa oras na ito nagpupuyos ang kaibang uri ng kapulahan ng bulaklak. Misteryoso talaga ang kalikasan.

Tara na!

SAMUT-SAMOT

 

SA ISINIWALAT na ITR ni CJ Renato Corona sa impeachment hearing, hamak namang napakaliit ang suweldo ng mga mahistrado kumpara sa ma-bigat nilang gawain at responsibilidad. Dahil dito, maaaring susceptible sila sa tukso ng katiwalian. Ang suweldo ng Chief Justice ay P47,000.00 lang. Paningin ko, dapat bigyan sila ng kaukulang salary increases. Ganu’n din ang Pangulo at mga mambabatas. Mantakin natin ang sahod ng isang director sa Subic o Camp John Hay ay higit pang mataas sa mga mahistrado. Dagdagan din ng sahod ang PNP para maiwasan ang tukso ng pangungurakot. Ganu’n din ang mga kaawa-awang guro sa public schools.

KAHANGA-HANGA ANG staying power ni actress Gloria Romero. Sa hinog na edad niya, active pa rin siya sa mga telenovelas. Nu’ng dekada ‘70, si Gloria ay isa sa mga pinakasikat na bituin katambal ang yumaong Juancho Gutierrez. Isa pang sikat na tandem noon ay Amalia Fuentes at Romeo Vasquez. Bago sila, ang Nestor de Villa-Nida Blanca tandem ang namamayagpag. Kaiba ang kalidad ng mga bituin noon. Very creative, well behaved at professional. Dahil sa mataas na uri ng pelikulang Tagalog, nilalangaw sa takilya ang mga foreign films. Ngayon ay kabaligtaran. Patay na ang local movie industry. ‘Di lamang sa low quality movies kundi dahil din sa inroads ng foreign films at pirated DVDs. Ninety per cent ng movie houses ay nagsara na.

DANIEL RADCLIFFE has attended a premier for “The Woman in Black” his first movie role since the final “Harry Potter” movie released last year. Radcliffe who is known among moviegoers as the boy wizard Potter says it “felt very natural” to move away from that character and start the next phase of his life. The 22 year-old plays a widowed father and larger in the film adaptation of the Susan Hill gothic ghost story, one of the longest running plays in London Westend.

NU’NG KASIKATAN ni Elvis Presley, fashion fad ang denims at corduroy sa mga teenager. Natatandaan ko, dalawang buwang sahod ang pinag-ipunan ng inay at tatay para maibili ako ng isang denim pants. Abot sa langit ang kagalakan ko.  Ang sikat na rubber shoes noon ay Converse. Araw-araw kinukulit ko ang Inay para bili rin ako. Sapatos ko lang ay Elpo kaya pinagtatawanan ako ng mga kalaro. Ngunit dahil sa napakamahal, ‘di ko na pinilit ang Inay. Sabi niya: Mag-aral kang mabuti, maghanap ng trabaho at lahat ng gusto mo ay iyo. Sinunod ko ang payo niya.

LLAMADO SA 2013 senatorial derby ang mga kandidatong may household names. Kasama sa mga ito sina Angara at Tañada. Sina Reps. Sonny Angara at Erin Tañada – spokespersons ng prosecution panel sa impeachment – ay nabalitang shoo-in sa ticket ng Liberal Party. Magaling ang pinamamalas ng dalawa sa impeachment. Inestimable ang tri-media exposures nila. This means the changing of the guards. Passing on illustrious public service legacy. Kung tutuusin, maaaring 2 slots na lang ang puwang sa winning magic 12. Llamado rin ang mga re-electionists na pinangungunahan nina Loren Legarda, Mar Roxas, Koko Pimentel at Allan Peter Cayetano. Makabalik pa kaya si Sen. Antonio Trillanes? Pagputi ng uwak.

NADUNGISAN MULI ang imahe ng legislature sa balitang involvement ng asawa ni Sen. Lito Lapid sa dollar smuggling. ‘Di pa naalis ang mantas ng pagkakulong ni Rep. Ronald Singson sa Hong Kong dahil sa drug smuggling, ‘eto naman. Magising na sana ang mga manghahalal. Mga mangmang na artista, ‘wag nang ihalal. Perhuwisyo. Binubutas ang kaban ng bayan. Ano ang naging accomplishments ni Sen. Lapid sa loob ng 10 taon? Magbutas ng upuan. Sayang ang buwis ng taxpayers. At si Bong Revilla? Biro mo nag-topnotcher pa siya nu’ng 2010. Chairman ng silence committee.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleDahil sa closeness nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo Kimeralds, galit na galit na naman!
Next articleKasambahay, Hindi Bantay-Salakay!

No posts to display